ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mayor Lim ipinapadiskuwalipika ni Atienza


MANILA – Hiniling ni dating Environment secretary Lito Atienza nitong Huwebes sa Commission on Elections (Comelec) na idiskuwalipika ang kanyang katunggali sa posisyon bilang alkalde ng Maynila na si incumbent mayor Alfredo Lim. Sa petisyong inihain ni Atienza, inakusahan nito si Lim na ipinagamit ang mga kasangkapatan ng lokal na pamahalaan katulad ng computer para gumawa umano ng pekeng resulta ng halalan sa Mayo 10. “Lim, who is directly responsible for the acts of his wards, is therefore guilty of allowing the illegal use of government equipment, facilities and personnel contrary to the provision of Section 261 of the Omnibus Election Code (OEC)," ayon kay Atienza, dati ring alkalde ng Maynila. Nakasaad sa Section 261 ng OEC na: “candidates are prohibited to use printing press, radio, or television station or audio-visual equipment operated by the Government or by its divisions, sub-divisions, agencies or instrumentalities, including government-owned or controlled corporations from any election campaign or for any partisan political activity."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang mga mapatutunayang lumabas sa naturang batas ay maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon at madiskuwalipika sa paghawak ng posisyon sa gobyerno. Nitong Martes, isang computer operator sa Electronic Data Processing Unit ng Office of the Manila Mayor ang umano’y nakadiskubre ng mga nakahandang election returns na may listahan ng mga boto sa Mayo 10 para sa mga kandidato mula sa pagkapangulo hanggang sa konsehal. Nakalista sa nakuhang dokumento na nakakuha si Lim ng 1,717 boto, habang 981 na boto naman kay Atienza, at 475 na boto naman kay dating Philippine National Police (PNP) police chief Avelino Razon. Mariing pinabulaanan ng kampo ni Lim ang paratang at inakusahan ang empleyadong nag-akusa ng anomalya ay dating tauhan ni Atienza nang nakaupo pa itong alkalde ng lungsod. Sinabi naman ni Comelec spokesman James Jimenez na malayo ang itsura ng umano’y pekeng ER na ipinakita ng kampo ni Atienza kumpara sa ER na gagamitin sa halalan. - GMANews.TV