ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Reklamo ng NP: Boto sa kanilang kandidato ‘di nabibilang ng PCOS machines
MANILA â Dumulog sa Commission on Elections (Comelec) nitong Martes ang Nacionalista Party (NP) para ipaalam ang hindi umano pagbilang ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines sa boto ng kanilang mga kandidato kabilang na si presidential candidate Manny Villar sa isinagawang mock elections. Sa pulong balitaan nitong Martes, sinabi ni NP spokesman at senatorial candidate Gilbert Remulla na nakita nila ang problema nang isalang sa pagsusuri ang mga makina sa lalawigan ng Mindoro Occidental. Bukod kay Villar, hindi rin umano binilang ng makina ang boto para sa kanilang congressional candidate na si Benjamin Tria. Ang mga boto ni Tria na hindi nabilang ay galing sa Magsaysay, Rizal, Calintaan, Sablayan, Sta. Cruz, at Mamburao. Makakalaban ni Tria sa posisyon bilang mambabatas si incumbent Rep Amelita Villarosa, kasalukuyang chairperson ng Lakas-Kampi-CMD. Inakusahan ni Tria si Villarosa na nasa likod ng planong pandaraya sa darating na halalan sa Mayo 10.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âI accuse the chairman of Lakas-Kampi at isa sa deputy speakers ng Kongreso of masterminding a grand design to cheat in the coming May elections. Lahat ng pabor ay nasa kanya, lahat ng zero ay nasa akin. Nakapagtataka. Matagal nang ikinakalat ang balitang iyan na ang boto ay sa inyo pero ang bilang ay sa amin," ayon kay Tria na kasama ni Remulla sa Comelec. Iginiit naman ni Villarosa na iresponsable si Tria sa ginawang pag-akusa sa kanya. Posibleng nagkaroon lamang umano ng âtechnical problem" sa mga makina kaya hindi binabasa ang lahat ng mga boto. âHe should be careful of such statements because I can sue him for libel. This problem is happening not only in Occidental Mindoro, but in the entire country. To come up with such statements is not only irresponsible but also childish," pahayag ni Villarosa sa panayam sa telepono ng GMANews.TV. Ngunit sa dami umano ng makinang pumalpak sa pagbasa ng boto, maging si Mindoro Occidental Governor Josephine Ramirez-Sato ay hindi naniniwala na simpleng problema ng âmalfunction" ang nangyari sa mga PCOS machine. âMay impluwensiyang ginawa upang hindi manalo ang kalaban ng administrasyon," ayon kay Sato. "Kami po ay nandito para humingi ng tulong sa inyo, upang humingi ng tulong sa Comelec, na bigyan ng tuong pansin ang nangyari sa lalawigan ng Occidental Mindoro." Ayon kay Remulla, hindi ito ang unang kaso na hindi binilang ng makina ang boto kay Villar. Aniya, sa testing ng mga makina sa Muntinlupa ay nagkaroon din umano ng ganitong problema. Dahil sa maraming reklamo tungkol sa maling pagbasa ng mga boto, inutos ng Comelec na ipagpaliban ang testing sa PCOS machines. Bagay na tinutulan naman ni Remulla dahil ito umano ang pagkakataon para malaman ang lahat ng makina na depektibo sa pagbasa ng boto. âThey have to go on with the testing. They have to make sure that all the counting will be reflective of the votes cast," ayon kay Remulla. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular