Dy nabawi ang Isabela kay Padaca; Piñol nabigo sa N.Cotabato
Matapos ang tatlong eleksiyon, nabawi ng mga Dy ang lalawigan ng Isabela mula sa tinaguriang âgiant killer" na si outgoing Isabela governor Grace Padaca. Samantala, nabigo naman si North Cotabato vice governor Manny Piñol na makabalik sa kapitolyo matapos siyang talunin ng isang babae na kasalukuyang kongresista sa lalawigan. Sa Isabela, lumitaw na namayani sa boto si Faustino "Bojie" Dy III laban kay re-electionist governor Grace Padaca. Ito na sana ang ikatlo at huling termino ni Padaca mula nang maagaw sa mga Dy ang kapitolyo noong 2004 elections. Binansagang âgiant killer" si Padaca, isang radio commentator at polio victim, nang pabagsakin niya ang dynastiya ng mga Dy na kilalang angkan ng mga pulitiko sa lalawigan sa matagal na panahon. Batay sa pinakahuling bilang ng mga boto sa Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes ng gabi, nakakuha si Dy (Lakas-Kampi-CMD) ng 274,757 boto, laban sa 271,319 boto ni Padaca (Liberal Party). Hihintayin na lamang na maipadala sa kapitolyo ang mga election returns (ERs) mula sa munisipyo upang maiproklama si Dy, ayon kay Provincial election supervisor Manuel Castillo. Samantala, inihayag ng kampo ni Padaca na pinag-aaralan pa ng kanilang abogado ang mga gagawing legal na hakbang dahil masyadong maliit ang naging kalamangan ni Dy.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Return bout Unang nagharap sa balota sina Padaca at Dy noong 2001 elections sa posisyon ng pagka-kongresista kung saan nanalo rin si Dy ngunit mahigit isang libo lang ang kalamangan. Sa sumunod na halalan (2004), tumakbo si Padaca at nanalo sa posisyon ng gobernador laban sa nooây incumbent governor na si Faustino Dy Jr. Noong 2007 polls, si Benjamin Dy naman ang isinabak sa re-electionist (2nd term) governor na si Padaca. Dito ay muling pinayugo ni Padaca ang mga Dy. Bago bilangan ng mga boto, nauna ng sinabi ni Bojie Dy na hangad niyang magkaroon ng pagkakaisa sa kanila ni Padaca manalo o matalo man siya sa halalan. "Reconciliation ang importante sa lahat para magkaroon ng political stability sa ating probinsya. Whether we win or lose kailangan may political stability, kailangan magkaroon ng reconciliation para naman sa mamamayan sa lalawigan ng Isabela," ayon kay Dy. 2 Piñols talo sa N Cotabato Sa North Cotabato, nabigo si Manny Piñol na makabalik sa kapitolyo matapos matalo kay Lala Talinio-Mendoza. Si Talinio-Mendoza, kasalukuyang kongresista, ay nakakuha ng 236,966 boto laban sa 199,332 boto ni Piñol, kasalukuyang bise gobernador. Maging ang kapatid ni Piñol na si re-electionist Rep. Bernardo Piñol Jr ay natalo sa negosyanteng si Nancy Catamco. Ang kasalukuyang gobernador sa North Cotabato na si Jesus Sacdalan ang papalit sa puwesto ni Talinio- Mendoza matapos manalo sa nagbabalik kongresista na si Anthony Dequina. Ang mga Piñol ay kilalang kritiko ng gobyerno sa kontrobersiyal na peace deal na isinulong nito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). - GMANews.TV