ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bihag na tripulanteng Pinoy sa Somalia lumobo sa 63
MANILA â Lumobo sa 63 ang bilang ng mga tripulanteng Pinoy na bihag ng mga pirata sa Somalia matapos ma-hijack ang isang Liberian-flagged vessel na may sakay na 19 na Pinoy seamen noong Mayo 12, ayon sa Department of Foreign Affairs. Sa isang pahayag na ipinalabas ng DFA nitong Biyernes, sinabing ang 19 na tripulanteng Pinoy, kasama ang 2 Romanian at isang Indian national, ay sakay ng Liberian-flagged ship na MV Eleni P, nang agawin ng mga pirata ang barko sa karagatang sakop ng Oman. Batay sa impormasyong nakuha sa European Union Naval Force (EU NAVFOR), sinabi ng DFA na ligtas ang mga tripulante at masusi nilang minomonitor ang sitwasyon. Idinagdag sa pahayag na nakikipag-ugnayan ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers' Affairs (OUMWA-DFA) sa may-ari ng barko, local manning agency at kinauukulang embahada ng Pilipinas para mapalaya kaagad ang mga bihag. Bukod sa 19 na bagong bihag na Pinoy, hindi pa pinapalaya ng mga pirata ang nauna nilang inagaw na mga barko na may sakay na tripulanteng Pinoy. Kabilang dito ang MV St. James Park (may tatlong Pinoy seamen), MV Iceberg 1 (isang Pinoy), MT Samho Dream (19 Pinoy) at MV Voc Daisy (21 Pinoy). Nitong Miyerkules, ibinalita ng DFA na isang Pinoy seaman ang nakalaya sa kamay ng mga pirata noong Martes nang pakawalan ng mga pirata ang sinasakyan nitong Bermuda-flagged vessel na MV Talca na inagaw din mga Somali pirates sa karagatang sakop ng Oman noong Marso 23. "The cargo ship was hijacked by Somali pirates approximately 120 nautical miles off the coast of Oman on March 23. It is now heading towards Salalah, Oman. Also on board are 23 Sri Lankans and one Syrian," ayon sa DFA. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular