Higanteng âbentilador" ang tawag ng ilan sa mga dambuhalang âwindmill" na itinayo sa baybaying dagat ng Bangui sa Ilocos Norte. Alam nyo ba kung ilan lahat ang itinayong windmill na nagbibigay ng mas murang kuryente sa nabanggit na lalawigan? Taong 1990âs nang isulong ng dating gobernador ng Ilocos Norte na si Senator-elect Ferdinand âBongbong" Marcos Jr., ang maghanap ng alternatibong pagkukunan ng enerhiya sa lalawigan.

Hindi umano nais ni Marcos na lubos na umasa lamang sa suplay ng kuryente mula sa National Power Corporation (NAPOCOR). Dahil ang Ilocos Norte ang nasa dulong bahagi ng sinusuplayan ng Napocor, ang lalawigan ang unang apektado ng blackout kapag pumalya ang kanilang planta. Taong 1996 nang magsagawa ng pagsusuri ang National Renewable Energy Laboratory (NREL) sa lalawigan kung saan natuklasan ang potensiyal na magamit ang windmill dahil sa malakas na hangin sa baybaying dagat ng Bangui na nakaharap sa South China Sea. Ang unang 15 windmill ay pinasinayaan noong 2005 na naging kauna-unahan at pinakamalaking windmill farm sa Southeast Asia. Ang pagitan ng bawat windmill at nasa layong 236 metro, at may taas na 70 metro. Ang rotor blade (elisi) ng bawat isa ay may lawak na 40 metro. Tatlong taon matapos maitayo ang 15 windmills, dinagdagan ito ng lima pang higanteng âbentilador" noong 2008 para magkaroon ngayon ng kabuuang 20 windmill, na pinagkukunan ngayon ng halos 70 porsiyento ng kailangang enerhiya sa lalawigan. â
Fidel Jimenez, GMANews.TV