ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 lalaki na dinukot sa Basilan, pinugutan
Patay na natagpuan ang dalawang lalaki na hinihinalang dinukot ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan, ayon sa ulat ng pulisya nitong Sabado. Kinilala ni Senior Superintendent Antonio Mendoza, pinuno ng provincial police sa Basilan, ang mga biktimang sina Daduh Lumatang at Manuel Lumasag. Ang dalawa ay dinukot noong Biyernes ng mga armadong lalaki na pinamumunuan umano ni Puruji Indama sa Sitio Pali, Barangay Abong-Abong sa Maluso, Basilan. Natagpuan ang kanilang mga labi na walang ulo nitong Sabado ng umaga . Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa dalawa.- GMANews.TV
More Videos
Most Popular