Kilala niyo ba kung sinong senador ang pinakamatagal at pinakamaigsing naupo bilang lider ng Senado mula nang maluklok sa puwesto si dating Pangulong Corazon Aquino noong 1986? Umabot ng hanggang anim na taon ang pinakamatagal na nagsilbing Senate President, samantalang mahigit anim na buwan naman naging pinakamaigsing termino. Nagsilbing bagong kabanata sa kasaysayan ng Pilipinas ang pagpapabagsak sa mahigit 20-taong rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng EDSA People Power revolution noong Pebrero 1986.

Sens. Aquilino "Nene" Pimentel Jr at Franklin Drilon
At mula nang maibalik ang demokrasya sa bansa sa pamumuno ni Gng Aquino, 10 senador na ang nagsilbing Senate President. Ito ay sina Jovito Salonga, Neptali Gonzales Jr., Edgardo Angara, Ernesto Maceda, Marcelo Fernan, Blas Ople, Franklin Drilon, Aquilino Pimentel, Manuel Villar Jr., at Juan Ponce Enrile. Sa nabanggit na listahan, si Drilon ang pinakamatagal na naging Senate President na unang nahirang na lider ng Senado noong July 2000. Ngunit hindi ito nagtagal dahil kaagad siyang napalitan noong Nobyembre 2000. Muling nahirang si Drilon na Senate President pagsapit ng July 2001, at tumagal na ito hanggang June 2006 para bigyan-daan ang term sharing agreement nila ni Villar. Pinakamaigsi naman ang termino bilang Senate President ni Pimentel na pumalit kay Drilon noong Nobyembre 2000 dahil sa kaguluhan sa administrasyon noon ni dating pangulong Joseph Estrada. Si Pimentel ang nanguna sa Senado na nagsilbing âImpeachment Court" na duminig sa kaso ni Estrada kung saan naganap ang madramang pagwalk-out ng mga impeachment prosecutor, at pag-iyak ng ilang senador nang matalo ang mosyon na buksan ang kontrobersiyal na âsecond envelop." Pero nang mapatalsik si Estrada noong Enero 2001 at maluklok sa Malacanang ang nooây vice president na si Gloria Macapagal Arroyo, muling nabawi ni Drilon kay Pimentel ang liderato sa Senado pagsapit ng July 2001. â
FRJimenez, GMANews.TV