ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
ZTE-NBN case: Neri, Abalos Sr ‘di puwedeng lumabas ng bansa
MANILA â Nagpalabas ng magkahiwalay na hold departure order (HDO) ang Sandiganbayan laban kina dating National Economic Development Authority (NEDA) director-general Romulo Neri at dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos Sr. kaugnay sa kaso ng kinanselang national broadband network (NBN) project. Ipinalabas ng Sandiganbayan 5th Division ang HDO laban kay Neri nitong Martes, habang noong Biyernes nagpalabas ng HDO ang 4th Division Division laban kay Abalos. Dahil dito, kailangan munang kumuha ng court order ang dalawa at isumite sa Sandiganbayan kung nais nilang umalis ng Pilipinas. (Basahin: Hatol ng Ombudsman sa NBN project: Mike Arroyo lusot; Abalos, Neri hindi) Kapwa naglagak ng tig-P30,000 piyansa sina Neri at Abalos para sa kanilang pansamantalang kalayaan. Kaugnay ito sa kinakaharap nilang kaso tungkol sa kinanselang $329 milyong national broadband network (NBN) deal na ibinigay ng pamahalaang Arroyo sa ZTE Corp ng China. Tatayong testigo laban kay Abalos sina whistleblower Rodolfo "Jun" Lozada, dating Speaker Jose de Venecia Jr., anak nitong si Joey de Venecia III, mamamahayag na si Jarius Bondoc, Engineer na si Dante Madriaga at iba pa. Ipipresenta naman ng prosekusyon bilang testigo sa kaso laban kay Neri sina Lozada, de Venecia III at iba pa. (Basahin: Dadalhin sa hukay: Neri âdi pa rin magsasalita sa ZTE-NBN deal) Matatandaan na sinabi ni Lozada sa ginawang pagdinig sa Senate blue ribbon committee na maraming nalalaman si Neri tungkol sa kinanselang kontrata, at naging naging partisipasyon nina Pangulong Gloria Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo. Lumitaw din sa pagdinig na inalok umano ni Abalos si Neri ng P200 milyon kapalit ng pag-apruba nito sa kontrata. Mariing pinabulaanan ni Abalos ang naturang alegasyon pero ang kontrobersiya ang naging dahilan para bitiwan niya ang pamumuno sa Comelec. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular