ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Arroyo magiging abala sa pagdepensa sa kaso – Casino
MANILA â Tiniyak ng isang militanteng kongresista na magiging abala si outgoing President Gloria Macapagal-Arroyo kapag bumaba na ito sa Malacanang sa katapusan ng Hunyo para dumalo sa mga pagdinig sa kasong isasampa sa kanya. Sa isang media forum sa Quezon City nitong Huwebes, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Teodoro Casino, na kaagad nilang ihahain sa kinauukulang korte ang kaso laban kay Arroyo sa Hulyo 1. Kabilang sa ihahain sa may kaugnayan sa kasong kriminal, sibil at administratibo. Kasama rito ay kasong pandarambong, kasong katiwalian, at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Government Officials and Employees. âHopefully, we could file it within the week after siya mag-step down or kung kakayanin, a day after she steps down. Gusto nga sana namin âyung first few minutes na wala na siya sa Malacanang ay kasuhan na kaya lang holiday âyun, so the following day na lang," paliwanag ni Casino.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Magtatapos ang termino ni Arroyo bilang pangulo sa Hunyo 30, habang magsisimula naman ang termino niya bilang kongresista ng Pampanga sa Hulyo 1. Posible rin umanong buhayin ni Casino ang $329 milyong kinanselang kontrata sa National Broadband Network project sa ZTE Corporation ng China. âThe NBN-ZTE deal is a strong case against her," ayon sa mambabatas sabay pahayag na hindi na nila hihintayin ang itatatag na special commission ni President-elect Benigno âNoynoy" Aquino III na mag-iimbestiga sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ni Arroyo. âShe has to account for the nine years that she was President, the people are waiting for justice," pahabol ni Casino na nagsabing tiyak na magbabago ang buhay ni Arroyo. Sa kabila nito, nababahala si Casino kung may mangyayari sa isasampa nilang kaso kay Arroyo kung mananatili sa puwesto si Ombudsman Merceditas Gutierrez, kilalang malapit sa First Couple. Nauna nang inabsuwelto ng Ombudsman sina Gng Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo sa kaso ng NBN-ZTE deal. Kinasuhan naman sa Sandiganbayan dahil sa kinanselang proyekto sina dating Commission on Elections chairman Benjamin Abalos at dating National Economic Planning chief Romulo Neri. âWe will talk to him (Neri), kasi nilalaglag naman din siya. He should already consider that, wala ng executive privilege ngayon. He should consider now being a state witness," ayon kay Casino. âThe issue we will raise include playing golf with Chinese contractors to the cover up. Hindi puwedeng sabihin ni GMA na go quietly. There is no going quietly for her. She have to account for the nine years. We will make sure she does," sambit niya. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular