ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Manny Pacquiao babalik sa LP ni Noynoy Aquino?
MANILA â Kabilang umano si Pinoy boxing icon at congressman-elect Manny Pacquiao (Saranggani) sa tinatayang 30 hanggang 40 kongresista na manunumpa sa Liberal Party (LP) sa Biyernes. Ayon sa isang impormante sa LP, gagawin ang oath taking ng mga bagong kasapi ng LP sa punong-himpilan ng partido sa Cubao, Quezon City. Inaasahang dadalo sina President-elect Benigno âNoynoy" Aquino III, at natalong vice presidential candidate na si Mar Roxas, kasalukuyang presidente ng LP, at si Quezon City Rep. Feliciano Belmonte. Sinasabing halos sigurado nang makukuha ni Belmonte ang pinakamataas na puwesto sa Kamara de Representantes bilang Speaker. âPacquiao was among being expected to show up tomorrow (Friday). But nothing is final until he took his oath. Dati namang member ng LP si Pacquiao. Hintayin na lang natin sa Biyernes," pahayag ng source. Naging kasapi ng LP si Pacquiao sa ilalim ng (dating environment secretary Joselito) Atienza wing. Nahati ang LP noong 2005 matapos sumama sa panawagan na magbitiw sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang grupo sa LP na pinamumunuan ni Sen Franklin Drilon. Napaulat din na umanib si Pacquiao sa Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi), at nitong katatapos na May 10 elections ay nakipag-alyasa ang lokal niyang partido sa Nacionalista Party (NP) ni Sen Manny Villar. Sinubukan ng GMANews.TV na makuha ang pahayag ni Pacquiao ngunit hindi sumagot sa text message ang kanyang kampo. Good student Tinawag naman ni Quezon Rep. Lorenzo âErin" Tanada III, tagapagsalita ng LP, na mahusay na estudyante si Pacquiao na desididong matuto sa kanyang bagong responsibilidad bilang mambabatas. âOkay naman si Pacman, he listens very much and willing to learn everything about his new role," ayon kay Tanada, na nagsibling tutor ni Pacquiao sa Development Academy of the Philippines sa Pasig City. Sinabi ni Tanada na kabilang sa kanyang mga ipinayo kay Pacquiao ay ang pagbibigay halaga sa kapangyarihan ng mamamayan na naghalal sa kanila sa puwesto at magpapasahod sa kanila. âWith the limited funds, I was advising him to always consult his constituents in decision making regarding the projects and of course their priorities. People empowerment is very important to his leadership," kuwento ng mambabatas. âIpinaalala ko sa kanya na ang tao ang nagbibigay ng suweldo sa amin kaya dapat naming silang pagsilbihan. Hindi lisensiya ang pagiging kongresista para gawin na ang ano mang gusto namin," idinagdag ni Tanada. Hatian sa komite Kasabay ng inaasahang pagkopo ni Belmonte sa speakership, sinabi ni Tanada na ilang posisyon sa Kamara de Representantes ang itinatalaga na sa kanilang mga kaalyado sa LP. Malaki umano ang posibilidad na makuha muli ni Mandaluyong Rep. Neptali âBoyet" Gonzales II ang puwesto ng House majority leader at chairman ng House committee on rules. Ibibigay naman kay Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, secretary-general ng LP, ang puwesto ng isa sa tatlong Deputy Speaker, o kaya naman ay House committee on appropriations. Ikinukonsidera naman na ibigay kay incoming Muntinlupa City Rep. Rodolfo Biazon, ang pamumuno sa House committee on national defense. Si Biazon, outgoing senator ay ama ni outgoing Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon, na natalo sa karera sa pagka-senador sa ilalim ng partido ng LP. Napag-alaman naman sa hiwalay na source na malakas na kandidato sa House committee on ways and means si Batangas Rep. Hermilando Mandanas. Habang magkaribal sa House accounts committee sina Romblon Rep. Jesus Madrona at An Waray party-list Rep. Bem Noel. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular