ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PAL nilayasan ng mga piloto; operasyon ng kumpanya apektado
MANILA â Nagkaaberya ang operasyon ng Philippine Airlines (PAL) nitong Sabado matapos hindi sumipot sa trabaho ang ilan nilang piloto. Dahil sa kakulangan ng piloto, sinabi ni Jonathan Gesmundo, tagapagsalita ng PAL, na 11 biyahe ang kinansela. âMay kinalaman sa kakulangan ng piloto. For the past days may piloto âdi nagpaalam, umalis sa kanilang duty kaya namomroblema kami," pahayag ni Gesmundo sa panayam ng dzBB radio. Sa hiwalay na ulat ng GMA news Flash Report, nagbabala ang unyon sa PAL na marami pang manggagawa ng airlines, kasama ang mga piloto ang magbibitiw kapag hindi naresolba ang kanilang mga hinaing. Inirereklamo ng mga manggagawa ng PAL ang pagkakapako ng kanilang sahod at kawalan ng katiyakan sa kanilang trabaho.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa panayam sa dzBB, sinabi ni Gesmundo na inaa-adjust pa nila ang mga flight schedule at inaasahang maibabalik sa normal ang sitwasyon sa darating na mga araw. Sinabi ni dzBB radio reporter Carlo Mateo na aabot sa 13 local flights at limang international flights ang kinansela o 'di kaya ay naantala ang paglipad. Ilan sa mga naatalang biyahe ay: ⢠PR-318, PR-313, PR-319 (to Hong Kong) ⢠PR-843 and 844, to and from Cebu ⢠PR-181 and 182, to and from Cagayan ⢠PR-133 and 134, to and from Bacolod ⢠PR-147 and 148, to and from Iloilo Sa isang pahayag, humingi ng paumanhin ang pamunuan ng PAL sa naging problema sa kanilang serbisyo. "The indiscriminate resignation of PAL's A320 pilots for flying jobs abroad whose salaries PAL is unable to match, is in violation of their contracts with PAL as well pertinent government regulations that require resigning pilots to give PAL six months prior notice to be able to train their replacements," nakasaad sa pahayag. Nagbanta ang airlines na magsasampa ng kaso laban sa mga piloto na hindi na nagpakita sa kanilang trabaho matapos maghain ng kanilang mga resignation letter. Para malaman ang schedule ng mga flights, maaaring tumawag sa PAL hotline na 855-8888. Direktiba ni Noynoy Kaagad namang inatasan ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III ang mga opisyal sa Labor at Transportation Departments na makipagpulong sa mga opisyal ng PAL upang lutasin ang problema. "PAL has an obligation under legal terms. They are have a public conveyance. They have a commitment to serve the interest of the public," pahayag ni Aquino sa media nang dumalo ito sa pagpapasinaya ng photo mosaic ng kanyang pumanaw na ina na si dating pangulong Corazon Aquino sa Luneta. "And if this is not being met this has to be addressed... Kailangan talaga upuan iyan. We will be sitting with PAL officials," idinagdag niya. Ugat ng problema Ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano, dapat aksyunan ng pamahalaan ang matagal ng problema ng mga manggagawa ng PAL dahil sa ipinatupad na contractualization at moratorium sa Collective Bargaining Agreement (CBA), na pinayagan ng gobyerno. âItâs easier for PAL to blame its workforce than to admit that the company is implementing massive contractualization and spin-off that forces its own employees to either protest or seek employment in other carriers that offer better working conditions," pahayag ni Mariano. âPAL is facing labor problems and the management must know better than to give a lame excuse by blaming the pilots," pagdiin niya. Sinabi ni Mariano na naghain siya kamakailan ng House Resolution No. 111 upang hilingin sa kapulungan na imbestigahan ang reklamo ng mga manggagawa sa flag carrier. Idinagdag ng kongresista na kabilang sa mga hinaing ng mga mangagawa ng PAL ay ang pangambang masibak ang may 2,600 kawani, at ang pagbaba ng compulsory retirement age ng mga flight attendant sa 40-anyos. Lubha na rin umanong matagal ang 12-taon mula nang ipinatupad ang moratorium sa CBA ng mga manggagawa ng PAL kaya napapako ang kanilang mga sahod. âWithout a CBA, employees have no fair venue to negotiate their just demands. Forbes-listed multibillionaire Lucio Tan wants to get away with anything he does at PAL and to its employees," ayon pa kay Mariano. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular