ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga piloto ng PAL na nag-alsa balutan ‘di sumipot sa pulong
MANILA â Hindi sinipot ng mga piloto ang pulong na inihanda ng pamahalaan nitong Martes kasama ang mga kinatawan ng Philippine Airlines (PAL) sa pag-asang malutas ang problema sa naturang kumpanya. Itinakda ang pag-uusap dakong 3 p.m. sa tanggapan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa Mandaluyong City, ngunit hindi dumating ang limang piloto na inimbitahan bilang kinatawan ng nag-aklas na mga piloto ng PAL. Dahil dito, sinabi ni DOTC Undersecretary Dante Velasco na tinalakay na lamang ng pamahalaan sa mga kinatawan ng PAL ang mga problemang dapat resolbahin dahil sa pagkakakansela ng ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kabilang sa mga opisyal na dumalo sa pulong ay sina Justice Secretary Leila de Lima, Executive Secretary Pacquito Ochoa, Manila International Airport Authority general manager retired Air Force Major General Jose Angel Aquino Honrado, at mga kinatawan sa Finance at Labor departments, at Civil Aviation Authority of the Philippines. Plano sanang talakayin sa pulong ang mga hinaing ng mga nag-alsa balutan na piloto na naging dahilan ng pagkapilay sa operasyon ng PAL simula pa noong Sabado.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Gayunman, sinabi ni Velasco na magtatakda muli sila ng panibagong araw upang ituloy ang pag-uusap sa pag-asang sisipot na ang mga kinatawan ng piloto. Nitong Lunes ay pinulong na ng Malacanang ang mga kinatawan ng magkabilang panig pero walang naresolba sa kanilang usapin. Patuloy naman sa pagtanggi ang mga opisyal ng pamahalaan na ilahad sa publiko ang detalye ng mga pag-uusap. âThe issues we discussed are still to be settled and I am not yet in position to discuss the issues in detail," ayon kay Transportation Secretary Jose de Jesus Diskriminasyon Bukod sa reklamo ng mga piloto, nagbabanta rin ang iba pang empleyado ng PAL â kabilang ang mga flight attendant â na nagsasagawa ng kilos protesta dahil umano sa hindi magandang pamamahala sa airlines. Ayon kay Sen Pia Cayetano, may mga patakaran na pinaiiral ang PAL na nagpapakita ng diskriminasyon sa kanilang mga empleyadong babae partikular sa mga flight attendant. Tinukoy ng mambabatas ang patakaran ng PAL na ipagretiro ng maaga ang mga babaeng flight attendant na labag umano sa itinatakda ng Labor Code and Magna Carta of Women. "PAL should respect and follow our labor laws and ensure equal work opportunities for its employees regardless of gender," ayon kay Cayetano, pinuno ng Senate committee on youth, women, and family relations. Mula sa dating patakaran na ang mga flight attendant na makuha noong 1996 ay dapat magretiro sa edad na 60 ( sa lalaki), at 55 (sa babae); ibinababa ang retirement age sa 40 (sa babae), at 45 (sa lalaki), para sa mga flight attendant na makuha mula 1996 hanggang 2000. Samantala, ang mga piloto ay maaaring magretiro sa edad 60, at 65 naman sa mga managerial staff at iba pang ground crew, ayon kay Cayetano. "Such misguided and outmoded policies hinge on the sexist view that flight attendants should be valued more for their youth and physical attributes rather than their professionalism and years of service," puna ng senador. - GMANews.TV

Tags: PAL, philippineairlines
More Videos
Most Popular