ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
‘Gold digger,’ broken family dadami kapag ginawa raw legal ang diborsiyo
MANILA â Tutol ang ilang mambabatas na aprubahan ang inihaing panukalang batas sa Kamara de Representantes na gawing legal ang diborsiyo sa Pilipinas. Bukod sa pahihinain nito ang samahan ng pamilyang Pilipino, lalo raw dadami ang âgold diggers" at wasak na pamilya. Nitong Miyerkules, inihayag ni Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan, na muli nilang inihain ang House Bill 1799 upang gawing legal ang diborsiyo sa bansa. Bukod pa ito sa umiiral ng âlegal separation" at âannulment" sa mga mag-asawang nais ng tapusin ang kanilang pagsasama. Nakasaad sa panukala na maaaring mag-aplay ng diborsiyo ang mga mag-asawa na hindi na nagsasama sa loob ng limang taon, at mga mag-asawa na âlegally separated" sa loob ng dalawang taon. âGrounds for legal separation may also apply when these same grounds have already caused the irreparable breakdown of the marriage. In addition, psychological incapacity, causing one's failure to comply with essential marital obligations and irreconcilable differences causing the irreparable breakdown of the marriage are also recognized as grounds for divorce," paliwanag sa panukala.
Sinabi ni Ilagan na kailangang bigyan ng karagdagang paraan ang paghihiwalay ng mag-asawa bunga ng dumadaming kaso ng marital violence kung saan ang karaniwang biktima ay babae. Sa talaan umano ng Philippine National Police (PNP) noong 2009, lumilitaw na 19 na ginang ang nagiging biktima ng marital violence bawat araw. Lumitaw din na ang pananakit sa asawang babae ang pinakamarami sa naitalang kaso ng pang-aabuso sa kababaihan. âFor women in abusive marital relationships, the need for a Divorce Law is real. It is high time that we give Filipino couples, especially the women, this option." Ayon naman Gabriela Rep. Emmi De Jesus. Patatagin sa halip na pahinain Ayon kay Aurora Rep. Angara, may-asawa at dalawang anak, mga panukalang batas na magpapatatag sa samahan ng pamilya Pilipino ang dapat pag-ukulan ng atensiyon ng Kongreso. Iginiit niya na ang pamilya ang itinuturing haligi ng lipunan kaya hindi dapat na dagdagan ang mga paraan para mapadali ang paghihiwalay ng mag-asawa at pagkaraan ay papayagan muli silang mag-asawa. Kung dadami at magiging mas madali ang hiwalayan, sinabi ni Angara na hindi imposible na dumami rin ang tao na magpapakasal na ang layunin lamang ay makakuha ng ari-arian ng taong kanilang pakikisamahan. âBaka dumating ang araw na magaya tayo sa ibang bansa na basta na lang magpapakasal ang mga tao kasi alam nila madali naman divorce, at âdi na siniseryoso ang pagpapamilya," pangamba ng kongresista. âMalaki ang magiging epekto nito sa magiging mga anak nila dahil dadami ang broken families. Bukod diyan, dadami rin ang kaso ng mga gold digger o iyung mga mag-aasawa lamang dahil sa pera at para makakuha ng settlement sa divorce," idinagdag ni Angara, anak ni Sen Edgardo Angara. Bukod kay Angara, nagpahayag din ng pagtutuol sa divorce bill sina Reps. Elpidio Barzaga (Cavite), Roilo Golez (Paranaque) at Ben Evardone (Eastern Samar). Tinawag ni Golez na âweapon of mass destruction" ang divorce bill dahil magiging dahilan ito ng pagdami ng mawawasak na pamilya sa halip na maghanap ng lunas kung papaano isasalba ang pagsasama ng mag-asawa. âLook what's happening in other countries with divorce. Half of my classmates at Annapolis (USA) ended up divorcing a few years after they got married, many because of flimsy reasons by their own admission," ayon kay Golez. Hirit naman ni Barzaga: âI firmly believe that the family is the foundation of a good citizenry. Allowing absolute divorce would undoubtedly weaken the solidarity of the family. It would also encourage married couples who have differences to immediately seek divorce, though differences can still be reconcile." Sinabi naman ni Zambales Rep Ma Milagros Magsaysay, na magandang talakayin ang panukala ng Gabriela upang mapag-usapan at makita ang tunay na kalagayan ngayon ng pagsasama ng mag-asawa sa loob ng isang pamilyang Pilipino. âThough it will encourage a lot of debates, this will be good as it will really bring the real picture of the state of family and how we can ensure and protect everyoneâs rights," aniya. - GMANews.TV

"Malaki ang magiging epekto nito sa magiging mga anak nila dahil dadami ang broken families. Bukod diyan, dadami rin ang kaso ng mga gold digger o iyung mga mag-aasawa lamang dahil sa pera at para makakuha ng settlement sa divorce" â Rep Sonny Angara
More Videos
Most Popular