ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Our Lady of Manaoag sa Lingayen, Pangasinan


BALITANG AMIANAN - Ikinatuwa ng mga residente ng Barangay Gulag sa Lingayen, Pangasinan ang pagdalaw ng Our Lady of Manaoag sa kanilang lugar. Sinabing pambihira umano itong pagkakataon kaya naman matiyaga ang mga tao na nag-vigil at nagbantay sa imahen ng Birheng Manaoag. Mapa-bata man, teenager, o matanda ay sama-samang nag-alay ng dasal. Ayon kay Hilda Aviles, ng Basic Ecclesial Community, malaki ang maibabahagi ng hakbang na ito ng Simbahang Katoliko upang mapalapit ang mga kabataan sa mga aral ng simbahan. Bagaman inilagay lang sa trak ang imahen ng Our Lady of Manaoag, pinuno naman ito ng mga palamuti at bulaklak bilang pagbibigay galang at pagmamahal. Ilan sa mga deboto ay todo ang panalangin upang hilingin na magkaroon ng pagbabago sa kanilang pamumuhay. Ang imahen ng Our Lady of Manaoag ay ililibot sa iba pang barangay sa bayan ng Lingayen bilang paghahanda sa gaganaping “Christ the King" celebration sa darating na Nobyembre. - Balitang Aminan