Pinakamahabang daan sa Pilipinas
Alam niyo ba kung ano ang tawag sa pinakamahabang kalsada sa Pilipinas na nag-uugnay mula sa Ilocos region hanggang sa Mindanao? Ang Maharlika Highway, na kilala rin bilang Pan Philippine Highway, ang pinakamahabang kalsada sa Pilipinas. Tinatayang may haba ito na mahigit 3,000 kilometro â mula Ilocos Norte sa Luzon, dadaan sa Visayas region hanggang sa pinakadulo sa Zamboanga City sa Mindanao. Unang pinlano ang paggawa sa highway noong 1965 sa hangarin na mapabilis ang transportasyon sa bansa. Sa tulong ng pamahalaan ng Japan, pinahusay ang kalsada at tinawag itong Philippine-Japan Friendship Highway. Ngunit hindi lang puro kalsada ang Maharlika highway, kombinasyon din ito ng tulay at daanan sa karagatan o ferry service. Tinatayang aabot sa ilang araw ang biyaheng âby land" mula sa Ilocos hanggang Zamboanga kung tatahakin ang pinakamahabang kalsada na ito. â FRJimenez, GMANews.TV