Kilala niyo ba kung sinong pangulo ang nagpatupad ng matinding pagbabago sa disenyo ng Sagisag ng Pangulo ng Pilipinas kung saan binabaliktad nito ang tatsulok at pinalitan ang hayop na makikita rito? Ang Seal of the President o Sagisag ng Pangulo ay idinisenyo ng Capt Galo B. Ocampo, naging kalihim ng Philippine Heraldry Committee noong panahon ni dating Pangulong Manuel Roxas noong 1947.
Isang sikat na pintor, ginawang balangkas ni Ocampo sa pagdisenyo ng sagisag ng pangulo sa Amerika. Kaya naman ang unang sagisag ng pangulo na ginamit ni Roxas ay nakasulat rin sa wikang Ingles na âSeal of the President of the Philippines." Bukod dito, ang disenyo ay mayroong larawan ng isang araw na may walong sinag, nakatayong tatsulok -- na sa loob ay may larawan ng sea lion at napagigitnaan ng tatlong tala. Maliban pa rito ang tatlong tala na nakalinya sa salitang âSeal of the President..."

Pagsapit ng 1965, idinagdag sa disenyo ang mga maliliit na tala sa paligid ng araw para magsilbing simbulo ng mga idinideklarang lalawigan sa bansa. Pagkalipas ng apat na taon (1969), pinalitan ang salitang âSeal of the Presidentâ¦" at isinalin sa wikang Filipino na âSagisag ng Pangulo ng Pilipinas." Pero noong 1981, iniutos ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos, na palitan ang tipo ng letra na ginamit sa salitang âSagisag ng Panguloâ¦." Binaliktad din ang porma ng tatsulok, at ginawang agila ang hayop sa gitna nito sa halip na sea lion. Ibinalik sa orihinal na disenyo ni Ocampo ang disenyo ng "Sagisag ng Panguloâ¦" nang maupong pangulo si Corazon Aquino kasunod ng EDSA 1 People Power revolt noong 1986, na nagpatalsik kay Marcos sa Malacanang. -
Fidel Jimenez, GMANews.TV