ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

‘Pansit’ na nakagagaling


Hindi ito ang paborito nating pagkain na laging handa sa lamesa kapag may okasyon. Pero ang tinutukoy nating “pansit-pansitan" ay isang uri ng halaman na sinasabing nakagagamot sa iba’t ibang sakit sa katawan. Ang pansit-pansitan ay halamang-gamot na may scientific name na Peperomia pellucida Linn. Kilala rin ito sa Pilipinas bilang ulasiman-bato, olasiman-ihalas at tangon-tangon. Ang pansit-pansitan ay itinuturing isang uri ng damo na pinapaniwalaang nakalulunas sa sakit na rayuma, gout, atritis, pananakit ng ulo, pigsa, taghiyawat at maging sa pananakit ng sikmura. Maaaring pakuluan ang hinugasang dahon ng pansit-pansitan at saka ito iinumin. Puwede ring dikdikin ang dahon nito at saka itatapal sa pigsa at tighawak o sakit sa balat. Kung nais gawing desert, puwedeng kainin ang pansit-pansitan dahil maaari itong gawing ensalada. - FRJimenez, GMANews.TV

Tags: pinoytrivia