Dating sexy star Katrina Paula at live-in partner, pinaghahanap sa kasong carnapping
Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang dating sexy star na si Katrina Paula at live-in partner nito na sangkot umano sa pagnanakaw ng mga sasakyan. Napag-alaman na nitong Martes ay sinalakay ng mga pulis ang condominium unit sa Mandaluyong City na tinutuluyan nina Katina (Angelina Samonte sa tunay na buhay), at live in partner niya na si Raymond Dominguez, alias Benigno Victorino. Ang pag-raid sa condo unit nina Katrina ay batay sa ipinalabas na search warrant ni Judge Carlos Valenzuela ng Mandaluyong Regional Trial Court. Ayon kay Philippine National Police chief Director General Raul Bacalzo, tatlo ang condominium unit na inuukupahan nina Katrina at Dominguez na pinapaniwalaang hideout umano ng grupo nito. Naglaan na rin ng P500,000 reward ang PNP sa makapagtuturo ng kinaroroonan nina Katrina at Dominguez. Noong Disyembre 2008, pinagbabaril at napatay ang asawa ni Katrina sa labas lang ng kanilang bahay sa Quezon City. âHinahanap namin siya (Paula), kasama nya si Raymond naturally we could expect that once their warrants would come out we will arrest them," ayon kay Supt. Leonardo Espina, Highway Patrol Group director. Nakuha umano sa isinagawang raid sa Mandaluyong ang limang sasakyan na kinabibilangan ng Hyundai Sante Fe na pag-aari ni dating Labor undersecretary Dionisio dela Cerna. Nakakuha rin umano ang raiding team ng mga ninakaw na license plates at car registration papers, face masks, duct at masking tapes, at hand gloves. âI am giving instructions to all PNP units to extend all available support to ongoing operations of the Highway Patrol Group to arrest ring leader Raymond Dominguez who is the subject of several warrants of arrest for carnapping and involvement in other criminal cases," ayon kay Bacalzo. Kabilang sa mga kasong isinampa laban kay Dominguez ay carnapping with murder; rape; murder dahil sa pagpatay umano kay PO1 Rendetor Almuete at dalawang iba pa sa San Fernando Pampanga; attempted murder at carnapping, illegal possession of firearms and ammunition; at reckless imprudence resulting damage to property with serious physical injuries. Samantala, pinag-aaralan pa ng pulisya kung ano ang kasong isasampa laban kay Katrina, na sumikat bilang sexy star sa pelikula noong dekada 90's. âPinag-aaralan po naming mabuti sapagkat these cars were parked in their parking slots in that condominium," ayon kay Espina. "Aside from the parking lots we have searched the three units occupied by the live in partner so pagka dinugtong-dugtong mo ito they will be answerable for all the carnapping charges that we are going to hurdle against him. Isasama namin siya (si Katrina sa sasampahan ng kaso)." - GMANews.TV