ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Compulsory insurance sa OFWs dapat bigyan daw ng pagkakataon
MANILA â Nanawagan ang isang kongresista na bigyan ng pagkakataon ang ipinatutupad na compulsory insurance sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nakapaloob sa inamyendahang Migrant Workers Act. Ang panawagan ay ginawa kasunod ng mga ulat na nabawasan ang demand sa mga migranteng manggagawa makaraan itong ipatupad noong Nobyembre 8. Sa panayam ng media nitong Martes, sinabi ni Akbayan party-list Rep. Walden Bello, pinuno ng House committee on overseas Filipino, masyado pang maaga na ibato ang sisi sa naturang batas sa pagbaba ng demand sa mga OFW ng hanggang 52 porsiyento. âIt is too early to extrapolate from the trends. Let's give it a few months before jumping to conclusions," pahayag ni Bello. Sinabi sa mga local recruiter, kinukuwestiyon ng mga bansa na nagkakaloob na ng insurance sa mga kinukuha nilang dayuhang manggagawa â tulad ng Hong Kong, Taiwan, at mga bansa sa Middle East, ang bagong batas para sa compulsory insurance. Tiniyak naman ni Bello na kikilos sila para amyendahan ang batas kapag napatunayan na ito ang dahilan kaya nabawasan ang demand sa mga OFW. âObviously, if the insurance scheme ends up hurting our workers, we will have to repeal or modify it. But let's wait and give the trends a chance to emerge clearly," pakiusap ni Bello. Inihayag naman ni CIBAC party-list Rep. Sherwin Tugna na rerepasuhin niya ang naturang batas upang maprotektahan ang kapakanan ng lahat ng may kinalaman sa sektor ng pagpapadala ng migranteng manggagawa. âThe comprehensive insurance is for the protection of the migrant workers. But since there is a drop in the application. We should review the compulsory insurance to make it affordable and reasonable. The government and private interest must meet halfway to achieve a balance," paliwanag ni Tugna, kasapi ng House committee on foreign affairs. Una rito, hiniling ng mga local recruiter na kanselahin muna ang pagpapatupad ng naturang batas habang naghahanap ng bagong formula tungkol sa mas mababang insurance premium na katanggap-tanggal sa industriya batay sa magiging rekomendasyon ng Insurance Commission. Nakasaad sa batas na hindi makakakuha ng employment certificate sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang isang OFW na nilalakad ng recruiter kung wala pa itong certificate of insurance coverage. Inirereklamo ng mga local recruiter na lubhang mabigat ang ipinataw na minimum $72 insurance premium sa mga land-based workers at $100 sa mga sea-based workers. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular