160 Cebuano hinihinalang nadale ng 'tipus’
Tinatayang 160 residente mula sa dalawang barangay sa lalawigan ng Cebu ang hinihinalang nagkasakit ng typhoid fever, ayon sa ulat ng dzBB radio nitong Miyerkules. Inaaalam na umano ng local health authorities sa bayan ng Alegria kung ano ang dahilan ng paglaganap ng sakit. Isa sa mga pinaghihinalaan ng mga awtoridad na dahilan ng pagkakasakit ng mga residente ay kontaminadong tubig. Batay sa ulat, 30 sa 160 residente na nagkalagnat mula sa barangay ng Poblacion at Sta. Filomena, ay dinala sa ospital. Kabilang umano sa mga sintomas ng tipus ay pagkakaroon ng lagnat na tumagal ng isang linggo. Ang mga residente ay nagpakonsulta sa health center ng nabanggit na bayan. Kinunan din ng dugo ang mga residente para matiyak kung tipus o karaniwang lagnat lang ang tumama sa mga nagkasakit. Kasabay nito, naghahanda naman at pinag-aaralan ng Department of Health na magdeklara ng tipus outbreak sa dalawang barangay kapag nakumpirma ang sakit na kumalat sa lugar. â GMANews.TV