ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sablay sa ‘snow fall show’ sa Baguio, inako ng konsehal
BALITANG AMIANAN â Inako ng isang konsehal sa Baguio City ang mga naging problema sa unang gabi ng âsnow fall show" na ginawa sa Session Road noong Disyembre 4. Ayon kay Councilor Elmer Datuin, chairman ng Baguio Tourism Council at Christmas in Baguio, tinatanggap niya ang mga batikos at negatibong komento ng mga taong dumagsa sa Session road para masaksihan ang âpag-ulan" ng niyebe. Tunay nga raw na marami ang na-excite sa snow show kaya hindi maikakaila na marami rin ang nadismaya. Pero paglilinaw ng konsehal, sa upper portion lang ng Session road ang nasa plano ng snow show, at hindi kasama ang middle at lower portion ng kalye. Idinagdag pa na hindi rin nila inasahan na aabot sa 50,000 tao ang dadagsa sa Session road sa unang araw ng palabas ng pag-ulan ng niyebe. Dahil sa dami ng tao at haba ng kalye na sinakop, hindi na umano ito kinaya ng pitong snow machine. Wala naman daw ginastos ang siyudad sa naturang palabas dahil kusang-loob itong ipinagamit at ginastusan ng Li-Sing company na may-ari ng mga snow machine. Idinagdag pa na non toxic ang snow na ibinubuga ng mga snow machine. â Balitang Amianan
More Videos
Most Popular