ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Vizconde massacre case posibleng paimbestigahan muli ng DOJ


MANILA – Malaki ang posibilidad na muling paimbestigahan ni Justice Secretary Leila de Lima sa National Bureau of Investigation ang naganap na karumal-dumal na pagpatay sa mag-iinang Vizconde noong 1991. Bunga ito ng naging desisyon ng Korte Suprema nitong Martes na pawalang-sala ang mga akusado sa naganap na krimen sa pangunguna ni Hubert Webb, anak ni dating Sen Freddie Webb. Sa panayam nitong Miyerkules, sinabi ni De Lima na makikipagpulong siya kay NBI director Magtanggol Gatdula at mga tauhan nito para alamin ang posibilidad ng muling pagsisiyasat sa pagpatay sa pamilya ni Lauro Vizconde – ang asawang si Estrellita at mga anak na sina Carmela at Jennifer. "I have to discuss it with them. I want to know what happened before.... I want to know how they handled the evidence. I will discuss with Director Gatdula because we are aware of Mr. Lauro Vizconde's call for a reinvestigation," pahayag ng kalihim. "I am very inclined [to order a reinvestigation]," idinagdag niya. Nilinaw ni De Lima na ang desisyon ng SC na pawalang-sala ang mga akusado sa krimen ay hindi nangangahulugan na tapos na ang paghahanap ng katarungan sa mga biktima. "Even if there's a Supreme Court decision, I don't think anybody can call it a real closure. It may be a closure in the legal sense, but factually, for the sake of truth, we need to know [ano ang nangyari)," ayon kay De Lima. Bukod kay Hubert Webb, kasamang pinalaya sina Antonio Lejano, Michael Gatchalian, Hospicio Fernandez, Peter Estrada at Miguel Rodriguez. Aminado si De Lima na magiging malaking hamon sa pamahalaan ang muling pagsisiyasat sa kaso na 19-taon na ang nakalilipas. "Whatever evidence there are, or whatever evidence there have been, would have gone cold already," aniya. Pinuna rin ni De Lima kung bakit tila walang naging hakbang ang nakaraang mga administrasyon para hanapin ang iba pang akusado na nananatiling nakalalaya na sina Artemio Ventura, at Joey Filart. "How come all these years, walang nag-effort to track them down? One more thing, why are they still in hiding? Flight is indicative of guilt, as legal principles say. Maybe the truth are with the two other accused who are still at large," paliwanag niya. Bagaman nagkaroon ng pagdududa ang SC sa kredibilidad ni Jessica Alfaro na naging pangunahing testigo ng kampo ng tagausig, sinabi ni De Lima na posibleng makapagbigay pa rin ito ng mahalagang impormasyon tungkol sa kaso. - GMANews.TV