Hi sa inyong lahat na nasa Pinas and to all the readers of GMANews.TV. Iâm an avid fan of this website. Tawagin niyo na lang po ako sa pangalang Mr. Lonely. Nito lang Marso nang magpunta ako dito sa Japan. Dito kasi sa Japan ay matagal nang nakatira ang mama ko. Nandito na rin ang mga kapatid ko, tatlo kami at ang kuya ko ay may asawa na.
Noong Agosto, bigla na lang ako nawalan ng trabaho. At kahit na anong apply na gawin ko ay hindi pa rin ako matanggap. Hindi ko alam kung anong dahilan, at may mga oras na nagkaroon na ako nang depresyon.
â Mr Lonely
Hindi kami half-Japanese o iyong tinatawag na âJapinoâ o âJFCâ na ang ibig sabihin ay Japanese Filipino Children. Noong nasa Pinas ako, nag-aral ako ng computer engineering at akoây 1st semester lang. Mas ginusto ko na lang na pumunta dito sa Japan. Noong una ay masaya ako at kumportable ako na meron akong trabaho. Masasabi ko nga na nagagawa ko nang bilhin ang mga gusto kong gamit na wala ako nang nasa Pinas pa. Nagbago na nga ang buhay ko ngayon kung ikukumpara noon. Pero noong Agosto, bigla na lang ako nawalan ng trabaho. At kahit na anong apply na gawin ko ay hindi pa rin ako matanggap. Hindi ko alam kung anong dahilan, at may mga oras na nagkaroon na ako nang depresyon. Hindi ko alam kung bakit ako laging hindi makatulog at laging iritado at umiiyak tuwing gabi. Nang makabasa ako ng diyaryo online at napasadya sa kolum about depression, doon ko lang na-realize na may ganoon akong sakit. Nag-research ako at pinag-aralan ko kung anong sakit iyon.

"Hindi ko alam kung bakit ako laging hindi makatulog at laging iritado at umiiyak tuwing gabi."
Nagkaroon ako ng depression siguro dahil sa trabaho at dahil wala akong makausap. Sabihin na nating may mga kapatid at ina ako na kasama rito, pero nakabukod na sa amin ang ate at kuya ko. Kasama ko ang mama ko sa bahay at nakatira kami sa bahay ng asawa niyang Hapon. Ang mama ko ay nagtatrabaho sa umaga at gabi kaya wala rin kaming time na makapag-usap. Wala pa akong alam sa Nihonggo kaya hindi ko rin makausap ang asawa ng mama ko. Bukod doon, palagi ring mainit ang ulo niya na kahit konting mali mo lang ay galit na. Wala pa akong kaibigan dito dahil bago nga lang ako. Siguro dahil sa mga kadahilanang iyan kaya ako nagkaroon ng depression. May time na gusto ko nang mamatay at minsan ay sinasaktan ko ang akong sarili. Mahirap labanan ang depression at dumadating minsan ang panahon na tinatanong ko sa Diyos kung bakit ganuon ang nangyari sa akin. Itinatanong ko rin sa aking sarili kung wala na bang bukas para sa akin. Pero hindi ako sumuko, pilit kong nilabanan ang dapat labanan. Inisip ko na meron pa akong kakampi⦠walang iba kundi ang Diyos na lumikha sa atin. Lagi akong nagdadasal na sana bukas ay magising ako sa katotohanan na wala kang ibang magiging karamay sa araw-araw kundi ang Diyos lang.
Sana ay magbigay ito ng inspirasyon sa ibang tao, laging magtiwala sa Kanya at makakayanan mo ang ano mang hirap ng buhay. Basta think positive, not negative at âwag makalilimot na magdasal.
Inisip ko na walang dapat pagsisihan ano man ang nangyari sa buhay ko kahit na alam kong walang nakakalam sa nangyari sa akin. At sa muntikang pagkawala ng buhay ko, lagi kong iniisip na Diyos lang ang may gawa at Diyos na ang bahala kung ano man ang sasapitin mo kinabukasan. Sa ngayon ay medyo nakakaraos na rin ako sa pagkalugmok na sinapit ko. Unti-unti ay bumabalik na ang aking sigla at lagi na rin akong nakangiti paggising. Isa lang ang aking natutunan sa pinagdaanan kong ito, â'walang imposible kung lagi kang magigiging maka-Diyos." Sana ay magbigay ito ng inspirasyon sa ibang tao, laging magtiwala sa Kanya at makakayanan mo ang ano mang hirap ng buhay. Basta think positive, not negative at âwag makalilimot na magdasal. Thanks and God bless. â
GMANews.TV Mr Lonely ng Japan Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!