ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Uuwing OFWs sa Lunes (Dec 20), sasalubungin ni PNoy
MANILA â Bukod sa kanilang mga kamag-anak, kasama si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa mga sasalubong sa darating na mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Lunes (Dec 20). Iniulat sa dzBB radio nitong Sabado na ipinagpatuloy ni Aquino ang programang âPresidential Salubong" na ginagawa ng pamahalaan tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan. Ito ang magiging unang pagsalubong ni Aquino sa mga uuwing OFW matapos niyang manalong pangulo nitong nakaraang May 2010 automated elections. Ilang piling OFWs ang masuwerteng makakatanggap ng regalo mula kay Aquino. Kabilang dito ang pa-raffle na may nakalaang pa-premyo na nagkakahalaga ng tig-P500,000 kung saan tatlong OFWs ang mapalad na mananalo. Kasama ni Aquino na sasalubong sa mga OFWs sina Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon. Ang programa na pagsalubong sa mga OFW ay ginagawa ng pamahalaan bilang pasasalamat sa malaking kontribusyon ng mga migranteng manggagawa sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng ipinadala nilang remittances. Kamakailan ay inihayag ni Gov. Amando Tetangco Jr. ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na umabot sa $1.673 bilyon ang ipinadalang pera ng mga OFW sa Pilipinas nitong nagdaang Oktubre. Mula Enero hanggang Oktubre, umabot sa kabuuang $15.456 bilyon ang ipinasok na pera ng mga OFWs sa bansa sa nakalipas na 10-buwan pa lamang. Nitong Disyembre 6, pinarangalan ni Aquino ang pamilya ng mga OFW na tinanghal na Model OFW Family of the Year Awards 2010. Ang mga pinarangalang pamilya ng mga OFW (land at sea-based) ay pinangunahan nina pamilya ni Engineer Ermie at Teodorico Garon, Jr., ng Tarlac City, at Victor at Sandra dela Cruz ng Puerto Princesa, Palawan. - FRJimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular