ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sino ang unang umawit ng ‘Be My Lady’


Isa sa mga pinakasikat na kanta na nilikha ng kompositor na si Vehnee Saturno ang 'Be My Lady.' Pero alam niyo ba na hindi si Martin Nievera ang unang nag-record sa awiting ito? Kapwa itinuturing nina Martin at Vehnee na malaki ang naitulong sa kanilang career sa pagsikat ng awiting 'Be My Lady' noong 1994. Katunayan, sa sobrang kasikatan nito ay naingganyo rin ang international singer na si Matt Monro na i-record ito. Ngunit bago si Martin, ang unang umawit ng 'Be My Lady' ay si Pedrito Montayre bilang entry ni Vehnee sa prestihiyosong Metropop Song Festival noong 1983. Taliwas sa resulta ng bersiyon ni Martin, hindi pumatok sa mga hurado sa Metropop ang bersiyon ni Pedrito at natalo. Inakala ni Vehnee na bigo siya sa kanyang komposisyon para sa 'Be My Lady' hanggang sa marinig ito ni Chito Ilagan ng Vicor Recording Company at ipinakanta kay Martin, na pumatok ng husto sa pandinig ng mga music lover. - FRJimenez, GMANews.TV

Tags: pinoytrivia