ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bakit ipinagiba ang kombento na kilalala ngayon na Sto Nino church sa Tundo?


Ang Simbahan ng Tundo o Sto Nino Church ang isa mga pinakasikat na lugar sa Maynila. Ngunit bago ito naging simbahan, dati itong kombento na ipinagiba ng isang dating gobernador bilang taktikang militar noong 1662. Tuwing ikatlong linggo sa buwan ng Enero ay ipinagdiriwang ang kapistahan ng Sto Nino, at kabilang ang Tundo sa mga lugar na dinarayo ng maraming tao -- maging ng mga turista. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, malawak ang hurisdiksiyon ng simbahan ng Tundo na umaabot hanggang Pasig, Cainta at Taytay. Naging sentro rin ito ng katolisismo maging sa komunidad ng mga Tsino sa Maynila. Si Rev Fr Alonso De Alvarado ang nagsilbing unang Catholic minister ng simbahan, habang si Rev Fr. Martin de Rada naman ang nagbinyag sa dating lider ng Tundo na si Rajah Lakandula.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang simbahan ay dating kombento ng Augustinians na nagsimula noong 1570’s. Sinasabing 1611 nang maitayo ang kongkretong instruktura ng kombento sa ilalim ng pamamahala ni Fr. Alonzo Guerrero. Pero noong 1662, iniutos ng noo’y gobernador na si Sabiniano Manrique de Lara na gibain ang kombento dahil sa inaasahang pagsalakay sa Maynila ng grupo ng mga dayuhang pirata na pangungunahan ni Kue-Sing. Pagkaraan nito ay muling itinayo ang kombento pero nawasak naman ng lindol noong 1740’s. Taong 1759 nang maging regular na simbahan ang kombento pero muli itong napinsala ng lindol noong 1863. Pagkaraan nito ay nagpatuloy na ang paggawa sa gusali sa ilalim ng pamamahala ni Fr Manuel Diez Gonzales at ipinagpatuloy ni Fr Casimiro Herrero, na siya ngayong itsura ng makasaysayang simbahan ng Sto Nino de Tundo. - FRJImenez, GMANews.TV

Tags: pinoytrivia