ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PNoy, Binay magkaiba ang posisyon sa usapin ng death penalty
MANILA â Magkaiba ang pananaw ng dalawang pinakamataas na pinuno ng Pilipinas sa usapin ng pagbabalik sa parusang kamatayan sa harap ng mga nagaganap na karumal-dumal na krimen sa bansa. Sa magkahiwalay na panayam, inihayag ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III ang pagtutol na ibalik ang parusang kamatayan, habang pabor naman si Vice President Jejomar Binay. Sa pulong balitaan nitong Miyerkules sa ika-65 taong anibersaryo ng Liberal Party, ipinaliwanag ni Aquino na hindi pa perpekto ang hustisya sa bansa kaya tutol siya na ibalik ang parusang kamatayan na minsan naibalik noong panahon ni dating pangulong Fidel Ramos. "There is a possibility that people can be wrongly convicted especially if they do not have the ability to secure competent counsel," paliwanag ni Aquino. "Pag ipapasa natin ang death penalty, how do you turn back the clock if an innocent person is executed?" paalala niya. Gayunman, sinabi ni Aquino na bukas siya na pag-aralan ang naturang usapin ng capital punishment. Disiplina ang kailangan Ngunit kung si Binay ang tatanungin, kailangang magkaroon ng pinakamabigat na parusang makakapagdesiplina sa mga Pilipino sa harap ng lumalalang kriminalidad sa bansa. ââYung sa death penalty, sumusuporta ho kami na ibalik na hong muli," sambit ng pangalawang pangulo sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Kabilang si Binay sa mga opisyal ng pamahalaan na bumisita sa burol ni Emerson Lozano, anak ni Atty Oliver Lozano, na natagpuang patay, at sunog ang bangkay sa Porac, Pampanga noong Biyernes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âOf course mayroong mga oposisyon, but kulturang Pilipino itong pinag-uusapan natin eh. Ang kultura ng Pilipino, kailangan ng disiplina," pagdiin ni Binay. Lumakas muli ang panawagan na ibalik ang parusang kamatayan sanhi ng mga nagaganap na karumal-dumal na krimen katulad ng nangyari kay Emerson at isa pang car dealer na si Venson Evangelista na pinatay at sinunog rin ang mga labi. Sa kabila nito, malaki umano ang tiwala ni Aquino na mahuhuli kaagad ang mga nasa likod ng pagpatay kina Lozano at Evangelista. âIâm expecting developments on it. Iâve been asked not to comment on any details because of the ongoing operations," ayon sa pangulo. Senado hati Maging ang mga senador ay hati sa usapin ng death penalty matapos maghain ng panukalang batas si Sen. Juan Miguel Zubiri, na bitayin ang mga mahahatulang nagkasala sa karumal-dumal na krimen. Nagpahayag ng suporta si Sen Ramon âBong" Revilla Jr. na ibalik ang parusang kamatayan dahil nagiging sobrang mapangahas na ang mga salarin. Kabilang si Revilla sa mga bumoto sa panukalang batas na pawalang-bisa ang death penalty noong 2006. Ngunit para kay Revilla, nagbabago ang panahon at kailangang baguhin ang batas upang makasabay sa takbo ng panahon. Bukas naman si Senate President Juan Ponce Enrile na mungkahing ibalik ang parusang kamatayan. "If there's a proposal to that effect, I am open, but we have to do it. If we are going to apply the law, apply it so that the society will feel it," ayon sa lider ng Senado. Samantala, tutol naman sa panukala sina Senate Majority Floor Leader Vicente "Tito" Sotto III, Sens Franklin Drilon, Francis Pangilinan, Francis Escudero, at Ralph Recto. Nagkakaisa ang pananaw ng mga senador na higit na kailangang pagbutihin muna ang pagpapatupad sa batas. "It is certainty of punishment and not the kind of punishment that will deter crimes," ayon kay Escudero. âWe do not support this. It is the certainty, not the severity, of punishment that brings fear in the hearts of would-be criminals. No matter how severe the penalty imposed, if convictions are few and far between, or cases drag on for years on end without punishment, then criminality will remain rampant," paliwanag naman ni Pangilinan. - FRJ/GMANews.TV

More Videos
Most Popular