ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ano ang type mo: Pangit na mayaman o mahirap pero maganda ang itsura?
MANILA â Sadya na nga yatang mahirap ang buhay ngayon kaya mas maraming Pinoy ang pumili na makasama sa buhay ang isang hindi kagandahan o kagwapuhan basta mayaman. Batay sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) noong Nob 27-30, 2010, na may 1,200 respondents sa buong bansa, 51 porsiyento ang pumili sa kapartner na mayaman kahit pangit, habang 46 porsiyento naman ang pumili ng kahit mahirap basta maganda ang itsura. Mas marami naman ang babae na pipili sa pangit na mayaman (57 porsiyento), habang okey lang sa mga lalaki ang mahirap basta maganda (52 porsiyento). Sa Metro Manila (55 porsiyento) at iba pang bahagi ng Luzon (55 porsiyento), ang payag na maging partner sa buhay ang mayaman kahit pangit, habang 56 porsiyento ng mga nasa Mindanao ang okey sa mahirap basta maganda ang itsura.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa Visayas region, halos hati naman ang pananaw nila sa pagpili ng mayaman kahit hindi maganda o pogi (50 porsiyento), kontra sa 49 porsiyento ng kahit mahirap basta maganda ang itsura. Samantala, 57 porsiyento sa middle at upper classes ABC, at 52 porsiyento sa masa o class D ang mas pumili sa mayaman kahit hindi kagandahan o kagwapuhan. Sa mga mahihirap o class E, mas pinili nila (51 porsiyento) ang maganda ang itsura kahit mahirap. Sa kabuuan, 55 porsiyento ng mga tinanong ang nagsabing masaya sila sa kanilang love life. Habang 34 porsiyento ang nagsabing puwede pang sumaya, at 11 porsiyento ang wala raw love life. - FRJimenez, GMA News

More Videos
Most Popular