ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Marami raw implikasyon kapag inilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani
MANILA â Nagdesisyon si Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III na huwag magsalita tungkol sa usapin kung dapat mailibing na ang mga labi ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani. Paliwanag ni Aquino, anuman ang sasabihin niya tungkol sa usapin ng dating pangulo ay maituturing na hindi patas dahil naging katunggali sa pulitika ng kanyang ama na si dating Sen Benigno âNinoy" Aquino Jr., si Marcos. âWhatever I say will be bias e, so Iâm thinking of inhibiting myself from deciding on the matter, I have a government official whom I will task to study (it)," pahayag ni Aquino sa media matapos pangunahan ang command conference sa Camp Aguinaldo sa Quezon City nitong Miyerkules. Idinagdag ng pangulo na ipauubaya niya ang desisyon tungkol sa libing ni Marcos sa taong walang masyadong personal na kinalaman sa usapin. Gayunman, hindi binanggit ni Aquino kung sino ang taong kanyang napili. âAnything I say on the matter sasabihin decided on a subjective basis rather than on an objective basis and we would want to spare our country from that," paliwanag ng pangulo. Aminado naman siya na marami ang magiging implikasyon kapag pinayagan na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos na 20-taong namuno sa Pilipinas. Inakusahan si Marcos nang paglabag sa karapatang pantao dahil sa mga kaso ng pagpatay at pagkawala ng mga aktibista nang ideklara nito ang batas militar noong 1972. Nagwakas ang kapit ni Marcos sa Malacanang noong 1986 sanhi ng unang people power revolution, kung saan naluklok ang ina ni Aquino na si dating pangulong Corazon Aquino. Pinaghihinalaan na may kinalaman ang mga Marcos sa paglikida sa ama ni Aquino na si Ninoy noong Agosto 1983. Pero ang bintang ay itinanggi ni dating pangulo ni Marcos. Bukod sa mga naging pangulo at dating militar, pinapayagan ding malibing sa Libingan ng Bayani ang mga Filipino veterans, government dignitaries, statesmen at national artist. Si Marcos isa ring dating sundalo. Nabuhay muli ang usapin sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani matapos ihimlay doon ang mga labi ni dating defense secretary at dating AFP chief of staff Angelo Reyes, sa kabila ng mga akusasyon na sangkot ito sa pagwaldas ng pondo ng militar. Sa gitna ng kontrobersiya tungkol sa korupsiyon sa militar, nagpakamatay si Reyes sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili. Mariing itinanggi ng pumanaw na kalihim ang alegasyon laban sa kanya. (Basahin: The final words of Angelo T. Reyes) Pumanaw si Marcos sa Hawaii noong 1989 dahil sa sakit, at naibalik sa Pilipinas ang kanyang mga labi noong 1993. Ang kanyang mga labi ay nananatili sa kanyang sinilangang bayan sa Ilocos Norte, sa kabila ng ilang ulit na kahilingan ng pamilya na mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. - GMA News
More Videos
Most Popular