ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Merci Gutierrez nanindigang ‘di iiwan ang Ombudsman
MANILA â Wala umanong balak si Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez na magbitiw sa kanyang puwesto, sa kabila ng mga mungkahi ng ilang mambabatas dahil sa kinakaharap na impeachment case sa Kamara de Representantes. Sa panayam ng media nitong Huwebes, sinabi ni Gutierrez na mistulang inamin niya ang mga ibinibintang sa kanya kapag nagbitiw siya sa puwesto. Why should I resign, what if I am vindicated or cleared of the charges?" tanong niya. âIs there a law saying that an impeachable officer should resign in office once an impeachment case is filed against her?" Binigyan-diin ni Gutierrez ang nakasaad sa Konstitusyon na dapat ituring inosente ang isang akusado hanggat hindi napapatunayan sa korte na nagkasala. Naniniwala naman siya na mauunawaan ng mga mambabatas â lalo na ang mga senador - ang kanyang desisyon na hindi pagbigyan ang panawagan ng mga ito.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kahit may mga senador na kasamang nanawagan sa kanyang pagbibitiw, naniniwala umano si Gutierrez na magiging patas ang mga ito kapag umabot sa Senado ang kanyang impeachment case. Sa susunod na linggo ay inaasahang magdedesisyon ang mga kasapi ng House Justice Committee, na pinamumunuan ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., kung aaprubahan ang impeachment case laban sa Ombudsman. Ito ay kung mabibigo si Gutierrez na magsumite ng kanyang sagot sa dalawang reklamo na inihain laban sa kanya. Ngunit reklamo ni Gutierrez, bago pa man umano magsimula ang pagdinig sa kanyang kaso ay tila hinatulan na siya na guilty. Inalok daw si Tupas Sa hiwalay na panayam ng mga mamahayag, sinabi ni Tupas na nakatanggap siya ng alok mula kay Overall Deputy Ombudsman Orlando Casimiro, na ibabasura ang kasong graft na kinakaharap ng kanyang ama na si dating Iloilo Gov Tupas Sr., kapalit ng pagbasura sa impeachment case ni Gutierrez. Ginawa umano ni Casimiro ang alok kay Tupas sa tanggapan ng kongresista kasama si Deputy Special Prosecutor Robert Kallos. (Basahin: Kaso ng tatay ni Rep Tupas Jr sa Ombudsman, tuloy) âOverall Deputy Ombudsman went to my office along with Prosecutor Kallos. Sabi ni Casimiro, mahina ang kaso laban sa ama mo. Sabi ko kung mahina pala bakit mo pinirmahan? Sabi niya wala siyang magagawa. Also in our conversation, sinabi sa akin ni Casimiro na congressman kung pagbigyan nâya (Gutierrez) ang tatay mo, pagbibigyan mo rin ba siya?" kuwento ni Tupas. âHe (Casimiro) said that I should go easy on the Ombudsman, to me that is tantamount to dismissing the case," dagdag niya. Nitong Huwebes ay ipinaalam ng Ombudsman na tuloy ang kasong katiwalian na isinampa nila sa Sandiganbayan laban kay Tupas Sr., kaugnay sa umanoây maanomalyang kontrata na may kaugnayan sa ipinatayong airport sa Iloilo. Hindi totoo Iginiit naman ni Gutierrez na hindi totoo ang bintang ni Tupas Jr., at hindi rin paghihiganti ang motibo sa pagbasura sa inihaing motion for reconsideration ng nakatatandang Tupas. Katunayan, nag-inhibit umano siya sa kaso ni Tupas Sr bilang delicadeza, bagay na hindi umano ginawa ni Tupas Jr., sa pagdinig sa kanyang kaso sa Kamara. âAko nga ang biktima rito ng vendetta," reklamo niya. - GMA News

More Videos
Most Popular