ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

300-kilong ‘double dead’ na karne ng manok, nasakote sa Bulacan


Nasabat ng mga pulis sa isang checkpoint sa Bulacan ang tinatayang 300 kilo na "double dead" na karne ng manok nitong Lunes ng gabi. Sa ulat ng dzRH radio nitong Martes, sinabing dadalhin umano ang mga karne ng manok sa isang bahay sa Obando, Bulacan. Dinakip ng mga pulis si Nelson dela Cruz, 44-anyos, drayber ng tricycle, kung saan isinakay ang double dead na karne. Ayon kay Dela Cruz, isang nagngangalang Boy San Luis ang nagbayad sa kanya para dalhin ang mga karne sa Obando mula sa slaughterhouse sa bayan ng Pulilan. Napag-alaman na tatlong beses isang linggo kung upahan ni San Luis si Dela Cruz para magdala ng karne ng manok. Sinabi sa ulat na ibinaon sa lupa ang mga nakumpiskang karne para hindi na maibenta.— GMA News