ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Miyembro ng Judicial Bar Council, patay sa aksidente


MANILA – Nasawi nitong madaling araw ng Sabado ang isang miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) matapos sumalpok sa puno at bumaliktad ang minamanehong Toyota Fortuner sa Mandaluyong City. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Atty J Conrado P. Castro, 53-anyos, naninirahan sa ng Marikina City, at kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa JBC. Sa lakas ng pagkakabangga sa puno sa center island malapit sa La Salle Greenhills, Ortigas Avenue, natanggal ang ilang bahagi sa minamanehong kotse ni Castro at ilang ulit pang bumaligtad sa kalye.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Hinihinala ng mga imbestigador na posibleng may iniwasang sasakyan o kundi man ay nakatulog ang biktima kaya sumalpok sa puno. Nakita ng mga rumesponding sibilyan si Castro na nakaipit sa loob ng sasakyan, at nilapatan ng paunang lunas bago dinala sa pagamutan kung saan ito binawian ng buhay. Si Castro ay nagtapos ng abogasya sa University of the Philippines Law School at nakapasa sa Bar Exams noong 1985. Kinatawan siya ng IBP sa JBC mula pa noong 2003. - GMA News