ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagbitay sa 3 Pinoy sa China, nag-iwan ng leksiyon


MANILA – Nagkakaisa ang mga mambabatas na dapat matuto ang pamahalaan at mga Pilipino na mangingibang bansa sa sinapit ng tatlong Pinoy na binitay sa China nitong Miyerkules dahil sa kaso ng ilegal na droga. Sa magkakahiwalay na pahayag, iginiit ng mga mambabatas na kailangang paunlarin ang ekonomiya ng Pilipinas para magkaloob ng trabaho sa mga Pinoy upang hindi na sila mapilitang maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Kasabay nito, kailangan din umanong paigtingin ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs at tiyaking mabibigyan ng mahusay na abogado ang mga Pinoy na nakapiit sa ibang bansa upang matiyak na mapapangalagaan ang kanilang karapatan. Sa China pa lang, may 70 Pinoy pa ang nahaharap sa parusang kamatayan, bukod pa sa libu-libong Filipino na nakakulong sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. "As a nation, we grieve for the loss of our kababayans who were executed in China today. But along with our sympathies to their families and loved ones, we must also look into the circumstances that have brought abut the situation," ayon kay Sen Pia Cayetano.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pahayag naman ni Sen Francis Pangilinan: “In light of this painful event, I call on our colleagues in government to do what we can to modernize our economy so that our people would seek gainful employment here at home rather than elsewhere. Hindi sana nangyari ito kung hindi na nila kinailangan pang sumugal sa kapalaran sa ibang bansa." Itinuturing naman ni Sen Manny Villar na isang trahedya ang naganap na pagbitay sa tatlong Pilipino, at umaasang maililigtas ang iba pang inosenteng Pinoy na nahaharap din sa parusang kamatayan sa ibang bansa. At habang kailangan pa ring mangibang bansa ang mga Pinoy para maghanap ng kabuhayan para sa kanilang pamilya, pinayuhan ni Villar ang mga ito na pag-ibayuhin ang pag-iingat at huwag basta-basta magtitiwala para makaiwas sa kapahamakan. Ganito rin ang payo ni Sen Francis Escudero: “I am saddened by this news like many Filipinos but let this be a painful lesson to Filipinos, for them to be more careful and not to allow themselves to be used this way." Tinawag naman ni Anakpawis party-list Rep Rafael Mariano, na ultimate sacrifice ang pagkamatay sa China nina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain. “The ultimate sacrifice of Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo and Elizabeth Batain should be a wake-up call to President Aquino. The increasing landlessness, joblessness, and dire poverty at home cannot be addressed by the government’s labor-export policy but by fundamental social and economic reforms. It is high-time for the government to provide decent jobs in the country and put an end to its labor-export policy that treats OFWs as cheap commodities for export," ayon sa kongresista. - GMA News