ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Rizal Day ipinapalipat sa June 19; buhay ni Bonifacio nais gawing subject sa kolehiyo
MANILA â Nais ni Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ipagdiwang ang Rizal Day sa June 19 na araw ng kapanganakan ng bayani, sa halip na Disyembre 30 na araw ng kamatayan nito. Samantala, isang panukalang batas naman sa Kamara de Representantes ang inihain para isama bilang subject sa kolehiyo ang buhay ni Andres Bonifacio. Sa Senate Bill 2743, nais ni Marcos na amyendahan ang Section 26, Chapter 7, Book 1 of Executive Order No. 292, o ang Administrative Code of 1987 upang ilipat ang Rizal Day sa June 19 sa halip na December 30. Ipinaliwanag ng senador na mas marapat na ipagdiwang ang Rizal Day sa araw ng kapanganakan ng bayani kaysa araw ng kamatayan nito. "The birthday of our national hero is a day of celebration of his life and his great contribution to the country's independence from foreign domination. It is just fitting that Filipinos commemorate Rizal Day on June 19 as a day of triumph of the Dr. Jose Rizal's nationalism and patriotic ideals," ayon kay Marcos. Isinilang si Rizal noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ipinatupad ang hatol na kamatayan kay Rizal noong Disyembre 30, 1896 sa Luneta sa pamamagitan ng firing squad. Lider ng Katipunan Samantala, nais naman ni Kabataan party-list Rep Raymond Palatino, na isama ng Commission on Higher Education (CHED) sa curriculum sa kolehiyo ang buhay ni Andres Bonifacio â ang supremo ng Katipunan. Sa House Bill 4353, ipinaliwanag ni Palatino na makatutulong ang pagbabahagi ng buhay ni Bonifacio sa mga kabataan para mapalakas ang kanilang pagmamahal sa bansa. âAndres Bonifacio, a nationalist and revolutionary, is considered a national hero alongside with Jose Rizal," anang kongresista. âLessons on national independence, collective action, civic consciousness and patriotism will be inculcated among the students if a course on the life of our heroes should be included in the collegiate curricula. These lessons will shape the character needed for personal, community and national development." - GMA News
Tags: joserizal, andresbonifacio
More Videos
Most Popular