
Alam niyo ba na may nag-iisang lugar sa Pilipinas na pinayagan ng Santo Papa ang mga tao na kumain ng karne ng hayop kahit panahon ng Senama Santa. Sa tradisyon ng mga Katoliko, pinapaiwas ng Simbahan ang mga deboto sa pagkain ng karne tuwing Semana Santa â lalo na kung Biyernes Santo â bilang pag-aayuno sa panahon ng Kuwaresma. Ngunit hindi kasama sa tradisyong ito ang mga deboto o residente sa Bantayan Island sa lalawigan ng Cebu. Sinasabing binigyan umano ng Papal Dispensation noong 18th Century ng dating Santo Papa na si Leo XII ang mga residente sa isla kung saan kasabay ng Semana Santa ang pagdiriwang ng kapistahan sa lugar. Dahil pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa isla, nagiging espesyal na araw sa kanila ang pagkain ng karne na kadalasang nagaganap lamang umano sa panahon ng kapistahan. Ang Bantayan island ay binubuo ng tatlong munisipalidad, ang Bantayan, Madridejos, at Santa Fe. Ang konsiderasyon na ibinigay sa Bantayan Island ng Simbahang Katolika ay dulot ng pagiging bahagi umano ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo ng mga Kastila sa Pilipinas ang naturang isla. Matatagpuan sa Bantayan Island ang isa sa mga kauna-unahang simbahan sa Pilipinas -- ang Parish Church of Saints Peter and Paul, na itinayo noong 1580. Nagsilbi ring âmata" ng mga Kastila ang isla upang mabantayan ang mga nagnanais sumalakay sa lalawigan ng Cebu. -
FRJimenez, GMA News