ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ina ni Jason Ivler, pinagmumulta dahil hinamon ng suntukan ang hukom
MANILA -- Pinagmumulta ng P20,000 ang ina ng murder suspect na si Jason Ivler, na si Marlene Aguilar, dahil sa pagwawala nito sa loob ng korte at kalaunan ay paghamon ng suntukan sa isang hukom sa Quezon City noong nakaraang buwan. Nakasaad sa dalawang pahinang kautusan na ipinalabas ni Quezon City Regional Trial Court Branch 219 Presiding Judge Bayani Vargas, na bukod sa paghamon sa kanya ng suntukan ni Aguilar sa kanya noong Marso 23, mayroon din mga mapanirang pahayag na binitiwan ang ina ni Ivler laban sa hukom. Dahil sa inasan ni Aguilar sa nabanggit na pagdinig, hiniling ng panig ng tagausig na parusahan ng indirect contempt ang ina ni Ivler, na inayunan ni Vargas. âMarlene Aguilar, for her actuation which was aired in GMA Channel 7 news on March 23, 2011 whereby the presiding judge of this court was challenged to a fist fight coupled with libelous remarks which has the effect of degrading the administration of justice in the trial of her son, Jason Ivler, is hereby adjudged guilty of indirect contempt and ordered to a fine of P20,000," nakasaad sa kautusan ng hukom.
File Video: For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nag-ugat ang paghamon ni Aguilar ng suntukan kay Vargas nang hindi pagbigyan ng hukom ang mosyon ng kampo ng kanyang anak na huwag nang papuntahin sa susunod na pagdinig si Ivler. Una rito, inatasan ng korte si defense counsel Priscilla Marie Abante na magkomento sa loob ng 10-araw tungkol sa mosyon ng kampo ng tagausig nai-cite for contempt si Aguilar. Ngunit hindi naghain ng komento si Abante . Nakasaad din sa kautusan ni Vargas ang babala na papatawan ng mas mabigat na parusa si Aguilar kapag inulit ang ginawa nito noong Maro 23 sa loob ng korte. Si Ivler ay nahaharap sa kasong pagpatay kay Renato Ebarle Jr. dahil sa hinihinalang away sa trapiko sa Quezon City noong Nov. 18, 2009. â GMA News

Tags: jasonivler, marleneaguilar
More Videos
Most Popular