ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
‘Di lang shoe capital ng Pinas: Marikina City hihirit sa world record sa pinakamaraming tinuli
MANILA â Tatangkain ng Lungsod ng Marikina â na kilalang âshoe capital" ng Pilipinas â na makuha ang bagong world record bilang pinakamaraming magpapatuli sa Mayo 7. Ang naturang okasyon na tinawag na "Tule (Circumcision) Party," ay magsisimula 7:00 am hanggang 5:00 pm, sa May 7, na gaganapin sa city sports complex. The city government will hold the "Tule Party" on May 7 at the city sports complex where boys aged 12 and up will be circumcised for free, Sa ulat ng dzBB radio nitong Biyernes, sinabing sagot ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang gastos sa pagpapatuli para sa lahat ng lalaki na 12-anyos, at pataas ang edad. Ayon kay City health officer Alberto Herrera, modernong paraan ng pagtutuli ang gagamitin ng mga duktor. Inaasahan umano ng lokal na pamahalaan na aabot sa 1,500 na kabataang lalaki ang makikibahagi sa naturang âTule Party." â GMA News
More Videos
Most Popular