Daan-daang trabaho, handog ng isang malaking kompanya sa Special Recruitment Fair sa Pangasinan!
Dumagsa ang mga naghahangad magkatrabaho sa Provincial Employment Services Office o PESO sa Lingayen, Pangasinan kaninang umaga. Isang kompanya kasi ang nangangailangan ng madaming mga trabahador gaya ng cashier, management trainee at iba pa. Karamihan sa mga pumunta sa tanggapan ng PESO para mag-apply ng trabaho ay mga fresh graduate na nagbabakasakaling magkaroon ng first job. Gaya ng aplikanteng si Anna Michelle, na nagpayo sa mga katulad niya ng ibayong pagtitiyaga para makakuha ng trabaho. Bawal umanong maging maarte sa pagkuha ng trabaho. Mainam rin daw ang ganitong mga programa ng PESO para makatulong hindi lang sa mga nawalan ng trabaho kundi maging sa mga katatapos lang sa kolehiyo. Sakali umanong may hindi matanggap sa naturang Special Recruitment Program ay maiiwan na ang mga papeles ng mga aplikante sa opisina ng PESO na gagamitin naman para sa mga susunod na Jobs Fair. --Glamorfe L. Calicdan