ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tatlong Brigada Eskwela volunteer sa Ilocos, Naaktuhang nagnanakaw ng mga gamit sa paaralan!


Kalaboso ang tatlong lalaki matapos maaktuhang nagnanakaw ng mga gamit sa loob ng Sumader Elementary School sa Batac, Ilocos Norte. Nakilala ang suspek na sina Jaime Damaso, Ambrocio Sauran at Rositico Barruga pawang mga residente sa naturang lugar. Ayon sa pulisya, may nakakita umano sa tatlo na pumasok sa paaralan na ang akala’y tutulong sila sa paglilinis bilang paghahanda sa pasukan. Pero kalauna’y, nakitang bitbit nilang palabas ang television set, electric fan ,kaserola at iba pang mga gamit. Agad silang hinabol ng mga residente hanggang sa madakip ang mga ito. Inamin naman ang tatlo sa ginawang pagnanakaw at sinabi pang pambili sana ng maiinom na alak ang kanilang mapagbebentahan. Agad silang kinasuhan sa piskalya at ang mga suspek ay nakakulong na ngayon sa presinto. --Glamorfe L. Calicdan