EXCLUSIVE: Tatlo pang barangay sa lalawigan ng Nueva Ecija, inulan ng yelo at sinalanta ng buhawi!
Mahigit 20 kabahayan sa Talavera, General Natividad at Cabanatuan City ang sinalanta din ng buhawi. Bukod sa mga bahay ay nagtumbahan din ang mga punong kahoy kung saan muntikan nang mabagsakan ang ilang mga katabing bahay sa Barangay Pula Talavera, Nueva Ecija. Ayon sa isang residente na si Marcelo Fortugal, kitang-kita nila kung paano itinumba ng malakas na hangin ang mga puno sa paligid. âNung humangin na yun e pinanunuod nalang po namin yung nabubuwal na kahoy sa aming bahay. Ganunpaman , naabot parin yung aming kulungan ng baboy sira sira po yung mga yero..Sa palagay ko po e signal number 2ââ.. Tinangay naman ang bubungan ng bahay ni Aling Merly Fortugal nang dumaan ang malakas na hangin, mabuti na nga lang daw at walang masamang nangyari sa kanilang pamilya. Habang nasa kasagsagan ng pananalasa ng buhawi sa lugar ay sinabayan pa umano ng malakas na ulan na may kasamang maliliit na piraso ng yelo. âNararamdaman po yung yelo na umaano sa bubong namin e medyo maliliit lang din ho siguro".. Ang kongkretong bakod ng bahay naman ni Barangay Kagawad Fernando Labrador ay nagiba din matapos bumagsak ang malaking puno ng mangga likod ng bahay nang dumaan ang malakas na hangin. âNung una ho umulan tapos biglang kasunod e hangin na malakas tapos narinig ko nga kumalabog yung pader ayun nung tiningnan ko nga nabuwal yung pader naming".. Ang mga magsasaka naman sa Barangay Pula, General Natividad, Nueva Ecija ay hindi rin nakaligtas sa bagsik ng buhawi dahil ang kanilang mga pananim na gulay, sinira rin ng buhawi. Tinumba rin ng malakas na hangin ang mga punong kahoy at sapung kabahayan sa lugar. âMga gulay punong kahoy, bahay..hanap buhay ng mga tao kaya antimano kailangan maitayo dahil kung hindi walang mapagkukunan ang mga tao..Oo malakas din e halos may yelo yelo pa yung bubog kung tawagin..Kkasi nagiging diperensiya na to sa halip na maganda na ang ani naantala pa".. Patuloy namang umaasa ang mga residente sa tulong na iaabot ng lokal na pamahalaan ng Gen. Natividad, Talavera at ng Cabanatuan City. Ang mga nabuwal na punong kahoy na iniwan ng buhawi ay kanya kanya nalang pinagsisibak ng mga residente para mapakinabangan. --Glamorfe L. Calicdan