ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Usapin sa diborsiyo, ‘di pa natatalakay sa Palasyo
MANILA â Wala pa umanong posisyon ang Malacanang tungkol sa panukalang batas na payagan ang diborsiyo sa Pilipinas. Sa pulong balitaan nitong Martes sa Malacanang, sinabi ni presidential deputy spokesperson Abigail Valte, na hindi pa napag-uusapan sa pulong ng Gabinete ang tungkol sa diborsiyo na nakabinbin ngayon sa Kongreso. "As of the moment, we donât have position on that yet. Hindi pa po namin napag-uusapan with President (Benigno) Aquino (III) ," pahayag ng tagapagsalita. "In general, we always consider iyong opinion ng mga stakeholder kasi alam naman natin na consensus building ang style ni Pangulong Aquino," idinagdag niya. Nang tanungin si Valte kung nag-iingat lang ang Malacanang na huwag makabangga ang Simbahan sa usapin ng diborsiyo, paliwag niya:
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV "Itâs not [that] weâre being cautious because we donât want to collide with the Church, it's a rule of thumb for us na kapag may naitatanong na hindi pa talaga nadi-discuss with the President, we will tell you outright," ayon sa opisyal. Ang Pilipinas na lamang ang tanging bansa na walang batas tungkol sa diborsiyo. Ito ay matapos aprubahan sa bansang Malta ang diborsiyo na ipinadaan sa referendum kamakailan. Sa Miyerkules ay inaasahang sisimulan ng House committee on revision of laws, ang pagtalakay sa House Bill 1799, upang payagan ang diborsiyo sa Pilipinas. Sa ilalim ng naturang batas, ang mga mag-asawa na hindi na nagsasama ng dalawang taon ay maaari ng magpetisyon para sa kanilang diborsiyo. Ang mga basehan para pahayagan ang diborsiyo sa ilalim ng panukala ay: âpsychological incapacity, irreconcilable differences and failure to comply with marital obligations." Nitong Lunes, inihayag ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang kanyang suporta sa naturang panukalang batas. Noong nakaraang taon, inihayag ni Pangulong Aquino ang pagtutol sa diboryo, at iginiit na mayroon namang âlegal separation" na umiiral sa bansa. - GMA News

More Videos
Most Popular