ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Dahilan kung bakit hindi lulusot ang divorce bill sa Kamara, nasilip ng kongresista
MANILA â Naniniwala ang isang kongresista na mahihirapan na makapasa sa Kamara de Representantes ang kontrobersiyal na panukalang batas na magkaroon ng diborsiyo sa Pilipinas. Ang dahilan, ang mga misis ng mga mambabatas. Sinimulan nitong Miyerkules ng House committee of revision of laws, ang pagdinig sa House Bill (HB) No. 1799 o An Act Introducing Divorce in the Philippines na inihain ng mga kinatawan ng party-list group na Gabriela. Sa naturang pagdinig, sinabi ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo âRudy" Farinas, na malilintikan sa kanilang mga asawa ang mga lalaking kongresista na boboto pabor na magkaroon ng diborsiyo sa Pilipinas. âHindi lulusot ito sa floor dahil sa mga misis. Magagalit âyung mga misis sa mister na boboto diyan. Sasabihin nung misis, loko ka, may intensyon ka na i-divorce ako no? Kaya doon pa lang medyo tagilid na ho ito," paliwanag ni Fariñas. Si Fariñas.ay asawa ng pumanaw na dating beauty queen at aktres na si Maria Theresa Carlson. Mayorya sa 285 mambabatas sa Kamara ay mga lalaki, at halos karamihan sa mga ito ay mayroong mga asawa.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa ilalim ng panukalang batas, ang mag-asawa na hindi na nagsasama sa loob ng limang taon, o dalawang taon nang âlegally separated" ay maaaring maghain ng petisyon para sa kanilang diborsiyo. Maaari ring gamiting basehan sa diborsiyo ang basehan na ginagamit sa legal separation katulad ng âirrevocable differences." Pero para kay Fariñas, hindi umano katwiran ang âirrevocable differences" para wakasan ang sinumpaan sa kasal ng mag-asawa. Ang naturang posisyon ni Fariñas ay sinuportahan nina Reps Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro City) at Art Defensor Jr. (Iloilo), at kinatawan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). âThere are many reasons for irreconcilable differences. It could be pride, or the intervention of the in-laws. This would open the floodgates for broken families," babala ni Rodriguez. âIrreconcilable differences are as many as the number of couples in this world," dagdag naman ni Defensor. Inihayag naman ng kinatawan ng CBCP na ang panukala ay magpapalubha lamang sa problema ng pagtataksil sa mag-asawa. Dumami ang pabor sa diborsiyo Samantala, lumitaw sa isinagawang survey ng Social Weather Station na dumami ang mga Pinoy na pabor na magkaroon ng diborsiyo sa Pilipinas. Sa survey na ginawa noong Marso 4 - 7 sa 1,200 adults sa buong bansa, sinasabing kalahati sa mga tinanong ang naniniwala na dapat nang maghiwalay ang mga mag-asawa na hindi na kayang ayusin ang kanilang problema sa pagsasama. Mas marami umano ito kumpara sa 43 percent na naitala sa survey na ginawa noong May 2005. Samantala, mula sa 44 percent na tutol sa diborsiyo noong 2005, bumaba ito sa 33 percent sa isinagawang survey nitong Marso 2011. - FRJ, GMA News

More Videos
Most Popular