
Paranaque Rep. Roilo Golez
Kilala niyo ba kung sino ang batikang mambabatas at naging boxing champion sa U.S. Naval Academy, na ang pangalan ay hango sa mga lalawigan na pinagmulan ng kanyang mga magulang? Isinilang sa Looc, Romblon noong January 9, 1947, ang pangalan ni Paranaque Rep Roilo Golez, ay nagmula sa pinagsamang lalawigan ng Romblon at Iloilo. Kapwa mga guro sa pampublikong paaralan ang mga magulang ni Golez. Ang kanyang ina ay nagmula sa Romblon, habang taga-Iloilo naman ang kanyang ama. Lumaki si Golez sa isang low-cost government housing project sa Project 3 sa Quezon City. Lumikha ng pangalan si Golez sa pinasukan niyang US Naval Academy sa Annapolis, nang maging unang Pinoy at unang manlalaro na naging Brigade Boxing Champion sa loob ng apat na taon. Bago naging kongresista ng Paranaque mula noong 1992, 1995, 1998, 2004, at 2007, 2010, nagsilbi rin si Golez bilang pinakabatang Postmaster General sa bansa at ipinatupad ang âProject Mercury" para mapabilis ang pagpapadala ng mga sulat. Nagsilbi ring siyang National Security Adviser noong panahon ng panunungkulan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. --
FRJimenez, GMA News