ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lloyd Samartino, hahayaan ang anak kay Jo Ramos na magpasyan kung kanino titira


MANILA – Bibigyan daw ng kalayaan ng aktor na si Lloyd Samartino ang kanyang 17-anyos na anak sa pumanaw na si Josephine "Jo" Ramos, na magdesisyon kung kanino nito nais tumira ngayon wala ang ina. Sa naging panayam ni GMA News' James Velasquez, sinabi ni Samartino na nag-aalala siya para sa nag-iisa nilang anak ni Jo na si Sergio. Lumaki si Sergio sa kanyang ina mula nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. "I was very very sad for my son because Jo and I have been apart for quite a long time already and my son grew up practically with her and this happened very prematurely," pahayag ng aktor. Ayon sa ulat, hahayaan umano ng aktor ang anak na magdesisyon kung nais nitong tumira sa pamilya ng kanya ina, o sumama sa kanya. Dumalaw si Samartino nitong Lunes ng gabi sa burol ni Jo, anak ni dating pangulong Fidel Ramos. Si Jo ay pumanaw nitong Lunes ng umaga dahil sa sakit na lung cancer.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Una rito, sinabi ng dating pangulo na inilihim sa kanya ng anak ang karamdaman nito. Nakalagak ang mga labi ni Jo sa Funeraria Paz sa Sucat, Parañaque City. Magiging bukas sa publiko ang lamay hanggang Biyernes, bago ilibing sa Manila Memorial Park. Kabilang si Pangulong Benigni “Noynoy" Aquino III, sa mga dumalaw sa unang araw ng lamay ni Jo. Nagpaabot ito ng pakikiramay kay Ramos at dating First Lady Ming Ramos. "Ms. Ramos’ love for, and accomplishments, in music, was testimony to the musical passion she shared with her mother; and in athletics, she participated in the national team that gained distinction for the country in the SEA Games in the 1970s," naunang pahayag ni Aquino na binasa ni presidential spokesperson Edwin Lacierda. — GMA News