ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Same sex marriage sa mga rebelde


Naging kontrobersiyal at umani ng pagbatikos ang kasalan sa walong pares ng mga bakla at tomboy sa Baguio City kamakailan. Pero alam niyo ba na kahit sa hanay ng mga rebeldeng komunista sa Pilipinas ay may naganap na “same sex marriage." Matapos gawing legal ang same sex marriage sa New York, USA noong nakaraang buwan, walong pares naman ng mga bakla at tomboy ang ikinasal Metropolitan Community Church sa Baguio City. Ang naturang kasalanan ay kinondena ng mga kritiko, kabilang na ang lokal na pamahalaan ng Baguio City, at ng Simbahang Katoliko. Pero noong Pebrero 2005, dalawang lalaki – sina Ka Andres at Ka Jose – na miyembro ng New People's Army (NPA) ang ikinasal sa kabundukan ng Compostela Valley province sa Mindanao. Sa seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib, magkahawak ng kamay sina Ka Andres at Ka Jose, at sa isa pang kamay ay may hawak silang bala, na simbulo ng kanilang pakikibaka. May balabal din silang watawat ng Communist Party of the Philippines. - FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia