'Txt' ngayon, 'Teks' noon
Kapag narinig ang salitang âtext" ngayon, kaagad na papasok sa ating isip ang pagpapadala ng mensahe sa cell phone. Pero alam niyo ba na noon ay sikat na laro sa mga kabataan ang katunog nitong salita na âteks." Sa panahon ngayon ng modernong teknolohiya, ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan ay mga computer games at iba pang laro gamit ang mga mamahaling gadgets tulad ng PSP, X-Box, Play Station at iba pa. Ngunit noong dekada 60âs hanggang 70âs, kabilang sa mga laro na pinagkakaabalahan ng mga kabataan na tila nakalimutan na ay baraha o postcards na kung tawagin ay âteks." Ang mga postcard o teks card ay mga comic strips o kuwento na tinatayang may sukat lamang na 2 x 4 inches bawat isa. Nabibili ito ng âbanig" o dikit-dikit at saka paghihiwalayin kapag ginamit sa laro. Karaniwang hanggang tatlo ang maaaring maglaban gamit ang mga teks card. Iniipit ito sa daliri at saka pipitikin na kadalasan ay lumilikha ng tunog. Tulad ng laro ngayon na âpog" (pabilog) cards na malakas na ibinabagsak, ang teks card na maiiba ang puwesto â nakatihaya (tsa) o nakataob (tsub) â depende sa patakaran ng laro, ang mananalo ng mga itinayang card. Depende rin sa dami ng taya ang paraan ng pagbabayad ng natalo. Kung sobra ang dami nito na halos isang dangkal ang dami, sa halip na bilangin na paisa-isa, sinusukat na lang ito o âtinutumpok." Nakalikha rin ng kakaibang pagbibilang ang âteks" kunsaan ang dalawang card ay binibilang bilang âisa." Halimbawa, ang card na nabilang na âapat" ay âwalo" ang aktuwal na bilang. Pero kung ang card na binilang ay bumagsak sa âodd number" gaya ng âsiyam," ang bilang nito ay magiging âapat-tsa" na pinaigsing âapat-isa." â FRJimenez, GMA News