ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Hustisya tiniyak ni PNoy sa mga biktima ng Maguindanao massacre
MANILA â Tiniyak ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III kay Maguindanao Gov. Esmael "Toto" Mangudadatu at sa iba pang kamag-anak ng mga biktima ng Maguindanao massacre na gagawin ng kanyang pamahalaan ang lahat para makamit nila ang hustisya. "I will do everything humanly possible to get justice [for you]," pagtiyak umano ni Aquino, na inilagay ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte sa kanyang Twitter account nitong Huwebes. Hinarap ni Aquino nitong Huwebes ng hapon sa Palasyo si Mangudadatu at iba pang kamag-anak ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen na naganap sa Maguindanao noon 2009. Ginawa ng pangulo ang pagtiyak matapos magpahayag ng pagtutol ang ilang kamag-anak ng biktima ng masaker at private prosecutors, na kuning testigo ng gobyerno si suspended governor Zaldy Ampatuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Si Zaldy ay kabilang sa pamilya ng Ampatuan na inaakusahang sangkot sa masaker kung saan 57 katao ang nasawi. Akusado rin sa karumal-dumal na krimen ang kanyang ama na si Andal Ampatuan Sr, at mga kapatid na sina Andal Jr at Sajij, at 193 iba pa. Nangangamba sina Mangudadatu na kung sakaling gawing testigo ng gobyerno si Zaldy ay susunod naman ang iba pang Ampatuan at tuluyang hindi nila makamit ang hustisya. Kabilang ang asawa at dalawang kapatid na babae ni Mangudadatu sa mga pinaslang sa naganap na masaker. Kasama nilang nasawi ang 32 mamamahayag. Sinabing kasama ni Aquino na humarap sa mga biktima ng masaker sina Justice Secretary Leila de Lima, Interior Secretary Jesse Robredo, at Presidential Spokesperson Edwin Lacierda. Nauna nang inihayag ni De Lima na hindi maaaring maging testigo sa masaker si Zaldy, habang bukas naman umano sina Robredo at Lacierda na marinig ang mga sasabihin ng suspindidong gobernador. Kinastigo naman ni Atty Harry Roque, kabilang sa kampo ng tagausig, si Lacierda dahil sa hinala na ito ang nagsilbing âtulay" ng kampo ni Zaldy para sa Malacanang. - GMA News

More Videos
Most Popular