Gays kay Bishop Bacani: 'Hindi kami kadiri.'
"Hindi kami kadiri." Ito ang magkakaisang sentimyento ng mga dumalo sa prayer rally ng Metropolitan Community Churches (MCC) para sa Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) community nitong Sabado ng hapon sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City. Kabilang si retired Bishop Teodoro Bacani sa mga ipinagdasal sa prayer rally ng LGBT na dinaluhan ng may 50 katao. Magugunitang si Bacani ang naghayag ng "kadiri," bilang reaksyon ng obispo ng Simbahang Katoliko sa naganap na "holy union" ng walong pares ng LGBT sa Baguio nitong Hunyo. "Let's answer them na may kasamang pagmamahal," sabi ni Val Paminiano ng MCC Makati. Ngunit kasabay rin ng mga katagang iyon ang pagturing kay Bacani na "ignorant" sa salita ng Diyos. (Basahin: CBCP pastors in same sex weddings may face charges) "Pare-pareho tayo ng pinanggalingan ng hugasan ng kasalanan," tugon ni Paminiano kay Bacani. Ibinalita naman ni Mike Sotero, pastor ng MCC Baguio na hindi na itutuloy ang bantang âpersona non grata" ng ilang lokal na opisyal ng Baguio sa mga nagsagawa ng "holy union" ng LGBT na ginawa sa nabanggit na lungsod. Kontra ang ilang religious group sa "same-sex marriage" na isinagawa ng MCC na ibinalita ng GMA News Baguio.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ipinaliwanag naman ni Ceejay Agbayani, founder at administrative pastor ng MCC Quezon City, na ang ritwal na ginanap sa Baguio ay walang âlegal bearing" na katulad ng kasal sa ibang simbahan o seremonya. Hinihintay ni Agbayani ang araw na magkaroon ng batas sa marriage equality sa Pilipinas dahil maganda na napag-uusapan na ngayon ang mga usapin tungkol sa LGBT. "Huwag niyo namang ipagdamot sa amin na hindi kami maaring magpakasal," panawagan ni Agbayani. (Basahin: Simbahang nagkakasal sa mga bakla at lesbiyana) Ikinagalak ng pastor na ang United Church of Christ in the Philippines (UCCP) ay kapanalig nila sa ipinaglalabang karapatan na makagpakasal ang mga LGBT. "Nakita nila na wala tayong nilabag na batas," ayon kay Sotero, na naghayag rin ng hangarin na sana ay magkaroon ang Baguio City ng isang anti-discrimination ordinance na makakatulong para mapalaganap ang mga karapatan ng LGBT. Ayon naman kay dating Gabriela Party-list Rep Liza Maza, ang ugat ng pagtuligsang natatanggap ng LGBT matapos ang "holy union" sa Baguio ay bunga ng makitid umanong pag-unawa sa karapatang pantao. Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon si Ron de Vera, technical assistant sa Amnesty International Philippines, na nagpahayag ng suporta para ipaglaban ang karapatan ng LGBT community. Binigyan-pansin naman ng Rainbow Rights Project Inc., ang usapin ng paglabag sa karapatang pantao ng LGBT dahil mahigit 100 katao na umano mula sa naturang sektor ang naging biktima ng krimen.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sinabi ni Atty Angie Umbac ng Rainbow Rights, 28 kaso ng karahasan sa LGBT ang kanilang na-monitor ngayong 2011. Ang sexual orientation ng mga âbiktima" ang dahilan umano ng paglabag sa kanilang karapatan batay sa isinagawang panayam sa pamilya ng mga ito. Mahirap din umanong makumbinsi ang mga biktima at kamag-anak ng LGBT na ipaglaban ang kanilang kaso dahil ayaw nilang maungkat ang usapin ng pagiging bakla o tombay ng mga ito. Kabilang sa mga dumalo sa prayer rally ay anim na magulang na mayroong special children na nag-aaral sa Payatas B Elementary School sa Quezon City. Ayon kay Sanny Bautista, isa sa mga magulang, limang taon nang tumutulong ang MCC sa kanila at nitong nakaraang Hunyo ay nagkaloob ng mahigit 100 na de-gulong na school bags para sa mga mag-aaral. "Bilang parent na may anak na may kapansanan, aming feel ang discrimination ng mga LGBT," sambit ni Bautista. Itinatag ang unang chapter ng MCC sa Pilipinas noong Setyembre 7, 1991 sa Makati. âEarl Victor L. Rosero/FRJ, GMA News