ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
20-anyos na babae, pinaslang, sinunog sa loob ng motel sa Pasig
MANILA â Isang 20-anyos na babae na tubong Cebu ang natagpuang patay at sunog ang katawan sa loob ng isang motel sa Pasig City nitong Martes ng hapon. Ayon kay Senior Superintendent Jesse Cardona, hepe ng Pasig City, natagpuan ang mga labi ng biktimang si Regine Fernandez, dakong 2 p.m. sa isang kuwarto sa Country Lodge Motel. "Hindi pa completely sunog ang katawan ng babae, but yung mukha beyond recognition. But nakita natin meron ding bloodstains sa paligid. So ang presumption natin pinatay bago gustong sunugin para âdi makilala," ayon kay Cardona sa panayam ng dzBB radio.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Batay sa nakuhang ID card sa biktima, napag-alaman na naggaling si Fernandez sa Cebu City at nagtatrabaho sa Cebu Waterfront Hotel. Sa hiwalay na ulat ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabing nadakip ang suspek na kinilalang si Raymond Camarse, 49-anyos, residente ng Quezon City. Napansin umano ng mga room boy sa motel na may usok sa kuwartong pinanggalingan ni Camarse. Nakasakay na umano sa kotse ang suspek nang harangin ito ng mga rumespondeng barangay tanod na tinimbrehan ang mga kawani ng motel. Wala naman umanong napansin na kahina-hinala ang mga empleyado ng motel kay Camarse nang dumating ang mga ito. "Hindi natin malaman kung may pagtatalo, bakit biglang ganoon ang nangyari," ayon kay Cardona. Lumitaw na nagtamo ng saksak ang biktima. Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa mga kamag-anak ni Cardona sa Cebu para sa isinagawang imbestigasyon sa kung ano ang motibo sa nangyaring krimen. -- GMA News

More Videos
Most Popular