2 pulis at 2 sibilyan, patay sa nangyaring landslide sa Ifugao!
Apat na katao ang patay matapos matabunan ng landslide sa Sitio Eteet, Poblacion, Aguinaldo, Ifugao sa kasagsagan ng Bayong Juaning kahapon. Ayon sa Police Regional Office Cordillera (ProCor) sa Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet pasado alas siyete ng umaga kaninan, narekober na ang mga bangkay. Dalawa dito ay mga pulis na sina SPO2 Ricky Agwit at SPO2 Jeff Domingo ng Aguinaldo Police Station. Ayon sa ProCor, nangyari ang pagguho pasado alas tres ng hapon kahapon. Nirespondehan ng dalawang pulis ang nabalahaw na sasakyan ng DENR. "Habang nasa site, ini-evaluate nila kung paano nila aho-haul kasi nasa kanal 'yung sasakyan. Bigla naman wala silang chance na umilag o tumakbo doon sa pagbagsak ng soil erosion", and sabi ni P/Supt. Engelbert Soriano, PIO ProCor. Hindi pa rin nakikilala ang dalawang sibilyang kasama sa natabunan ng landslide. Pahirapan din sa komunikasyon ang ProCor sa Ifugao dahil sa kawalan ng kuryente na sa naturang probinsya. --Glamorfe L. Calicdan